Nananatiling misteryo hanggang ngayon ang bangungot na halos karaniwang nararanasan sa panahon ng pagtulog. Lalu itong kinatatakutan ng karamihan dahil sa may mga kaso na namamatay ang mga biktima.
Marami ang mga haka-haka at paniniwala na ang bangungot ay nangyayari kapag natulog ang tao na kakakain pa lamang o kaya ay sobrang busog. Kaya nga ang sabi ng matatanda na “wag tayong matutulog kapag kakakain natin at sobrang busog baka bangungutin.”
May ibat-ibang teorya tungkol dito ang mga siyentista, mga duktor at mga mananaliksik sa larangan ng paranormal na nais alamin kung ano nga ba ang dahilan ng bangungot sa tao. Ibat-iba ang nararanasan ng tao sa kapag binabangungot. Kalimitannararanasan na may nakadagan sa katawan at hindi makakilos.
May mga bangungot na animo’y nakapatong at sinasakal ang biktima habang pinipilit na sumigaw ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig, bagaman may kasong akala ay napakalakas ng ating paghiyaw.
Ang mga kababaihan ay nakakaranas ng biglang may tumatabi sa higaan at pinipilit na ilugso ang puri o ginagahasa o di man kaya ay sinusuyo hanggang sa hindi matanggihan ang nais ng nilalang na sila ay makatalik.
Mula pa noong taong 1000 hanggang 1500 A.D. o Middle English Period ay may mga kaso ng bangungot at nanatili pa rin itong misteryo ngayon.
Kabilang sa mga teorya ay ang tinatawag na “Old Hag Syndrome” – isang uri ng bangungot na may nakadagan sa natutulog at nahihirapang makahinga na may pakiramdam na sinasakal.
Ang isa pang teorya mula sa hanay ng mga duktor at mga siyentista, ito ay “Sleep Paralysis” – ang panahon na paralisado ang buong katawan ng tao ngunit gising ang diwa nito na kung tawagin din ay Hypnogogic/Hypnopompic Paralysis. Ito ay iniuugnay sa hypnagogic hallucinations o ang tinatawag na dream-like mentation (ang paggamit sa bahagi ng ating utak). Iniuugnay din ito sa Narcolepsy – isang neurological condition kung saan ang isang tao ay merong hindi makontrol na pagtulog.
Ang isa pang teorya ay ang posibleng kagagawan ito ng mga nilalang sa ibang dimensiyon na karaniwang tinatawag na “Incubus” – ang mga lalaking nilalang na pinipilit makipagsiping sa mga natutulog na babae, at “Succubus” naman ang tawag sa mga babaeng nilalang na dumadalaw sa pagtulog ng mga kalalakihan. Ang incubus ay halaw sa salitang latin na “incubo” na nangangahulugan ng “burden o weight”.
Para sa akin ang misteryo ng bangungot ay maaaring magkaroon ng kasagutan depende sa abot ng kaisipan ng bawat isa sa atin.
Ngunit iisa lamang ang maaari kong konklusyon tungkol dito. May basehan ang lahat ng mga teorya subalit ang pinakamahalaga sa lahat, ang tao bilang isang nilalang ay dalawamput-apat na oras na gising ang diwa at may kakayahan itong makalabas ng katawan habang tulog na karaniwang akala natin ay panaginip.
Sa aking palagay para maiwasan ang bangungot, una, ugaliin nating manalangin at wag matulog ng busog.
Pangalawa, kailangang palagi tayong mag-isip ng positibo at wag isipin ang problema bago matulog.
At pangatlo, maging mahinahon kapag binangungot, harapin natin at wag matakot, manalangin, at pilitin na lumipat sa isang magandang lugar sa panaginip.
Para sa inyong mga karanasan mag-text sa 0916-7931451 o mag-e-mail sa paranormalforce@yahoo.com.
really strange thing but its happening,my brother was a victim of this “bangungot”;he died at the age of 23,really sad.Since then it became fear of the family.I have had experience that myself so really petrified me,your tired and breathing heavily afterward.The whole experience was awful,really a nightmare.To my knowledge,it has something to do with pancreas.When you’re full and slept right through,that’s when your body activity slow down,since your body has foods to digest,pancreatic enzymes due to factors like mechanical obstruction(e.g position when your sleep),slow metabolism,stress and fatigue makes those enzymes lodged to blood then circulate and irritate brains causing this weird thoughts.
Medically,its not well explained yet but researchers are still working on it.Try this it may help you,when you are about to sleep,drink a glass of water,have a wee first then lay on your left side so your not lying on your pancreas,of course not full then PRAY.