Ebidensiya ng Kabilang Buhay

Bagaman marami ang naniniwala na merong kabilang buhay, marami pa rin ang nagdududa dito at hindi pa rin sila naniniwala na kapag namatay ang isang tao ay hanggang dun na lang ang kanyang kamalayan.

Hindi natin pipilitin ang iba na kumbinsihin na totoong may kabilang buhay ngunit isang karanasan ng isang kababayan natin ang maaaring makapagbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan at makapagpatunay na totoong merong buhay pagkatapos nating mamatay sa pisikal na buhay.

Ito ay totoong karanasan ni Malou Sun ng Paranaque noong taong 1999. Minabuti kong ilahad dito ang kabuuan ng kanyang karanasan nang wala akong ginawang pagbabago ngunit isinalin ko sa wikang Pilipino para mabasa at maintindihang mabuti ng ating mga kababayan:

“Sa aming bahay Agosto 26, 1999. Pagod na pagod ako at merong akong sakit na ovarian cyst. Ayaw kong magpa-opera. Bigla akong nawalan ng malay-tao at nakita ko ang aking katawan na wala nang buhay at nakahandusay sa sahig ng aming bahay, ngunit alam kong buhay na buhay ako sa labas ng aking katawan at ako ay nakalutang sa ibabaw ng aking wala nang buhay na katawang lupa.

Ang buong paligid sa aking nakikita noon ay napakapayapa at punung-puno ng liwanag….liwanag na hindi nakasisilaw ngunit masarap ang pakiramdam at nanunuot sa kaibuturan ng aking kaluluwa…at damang-dama ko noon ang di ko maipaliwanag na kaligayahan.

Bigla akong may nakitang imahe…at ang nararamdaman ko noon, siya ang Diyos, ngunit hindi ko nakita ang kanyang mukha.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang aking anak na babae, at dun ko nawari at napagtanto sa aking isipan na kailangan kong magbalik sa aking katawan para sa aking anak.

Nang tanungin ko si Malou kung ano ang kaibhan ng pakiramdam dito sa pisikal at dun sa kabilang buhay na kanyang naranasan.

I felt magaan…serene (payapa) as if I’ve been away to a far place na dami ako nakita pero ditto masikip, mabigat ang density at may time element, doon kasi wala at napakalawak samantalang dito may boundaries.
I followed a non-glaring white light I could see everything at walang walls (dingding) that divide. It is a vast opening. Some persons I met smiles some just stare at me. No plants and animals just a vast space filled with human beings seem floating sila. Generally serene lahat.

Ang karanasan ni Malou ay maituturing sa katagang “Near-Death Experience (NDE) na karaniwang nararanasan ng mga taong nasa bingit ng kamatayan o di man kaya ay talagang umalis ng kanilang katawan at naglakbay ang kanilang kaluluwa sa kabilang buhay.

Marami nang ganitong mga karanasan ang naodokumento sa ibat-ibang panig ng daigdig at patunay na meron ngang kabilang buhay kapag namatay ang isang tao.

Ngunit magkakaiba ang ating pananaw dito batay sa magkakaiba nating karanasan kung ano ang tinatawag na kabilang buhay.

Marami sa ating ang hindi lang ito pinapansin sa dahilang maituturing lamang itong isang panaginip, ngunit sa totoo lang ang isa pang paraan para makita ang kabilang buhay ay habang tayo ay tulog at nanaginip.

Sa ating pagtulog, hindi man palagi ay madalas na naglalakbay ang ating kaluluwa at kamalayan sa kabilang buhay para makipag-ugnayan sa mga matataas na espiritu lalu na sa ating Panginoong Diyos.

Ito ang tinatawag na Astral Travel o Out of Body Experience kung saan ang ating kamalayan bahagi ng ating kaluluwa ay lumalabas ng ating katawang lupa at naglalakbay.

Ito rin ang kadalasang pagkakataon na nakikipag-ugnayan sa atin ang mga namayapa nang mga mahal natin sa buhay.

Ang isa pang maituturing kong ebidensiya ng kabilang buhay ay kapag meron kang kakayanan na makita ang mga espiritu habang ikaw ay gising. Ito ay nangangahuluganh na bukas ang iyong matang espiritwal o clairvoyant ka at nakikita mo ang mga kaluluwang gumagala, mga engkanto, anghel at ekstra-terestriyal.

Hindi ko sinasabing totoo na merong kabilang buhay, ngunit iyan ay depende na lang sa inyong magiging karanasan at kung meron man maaari niyong ibahagi ang inyong karanasan.