Misteryo Listeners Share their UFO and ET Encounters, More Updates

Misteryo DZRH on October 8, 2011 features UFO sightings and Extraterrestrial/Alien Encounters.

Do you have dreams of meeting Extraterrestrial Beings? How do they look like?

Or aware you were inside a strange craft? Do you always hear high-pitch sound in one ear?

Do you believe you were being taken or abducted by ET Beings?

Are you an alien contactee? What are the Extraterrestrial Messages?

Misteryo listeners share their personal experiences.

“One time nakahiga po ako sa terrace namin sa Bicol then may nakita po akong dancing star na palipat-lipat ng napakabilis then may white light na parang tumama sa noo ko na para akong lumutang sa space, after that experience, nakakaramdam na ako ng calamities like tsunami at lindol.” – Luis, 34, Bicol

“Kapatid ko po nakakita. Nasa duty po siya nang makita yung isang bagay na kung ano. Ang laki daw po at nagbabaga at dahan-dahan daw pong bumaba. Ang kulay daw po ng apoy, pula at green, alas-10 daw po ng gabi nakita ng brother ko. Akala daw po niya yun ay meteor, nag-wish daw po siya kasi akala niya ay meteor katapusan daw po ng Agosto nakita ng brother ko, guard po siya, kukunan daw po sana niya ng picture gamit ang cp, kaya lang hindi daw po niya nagawa at natulala daw po siya pagkakita.” – Donna, Tanauan City, Batangas.

“May na-experience na po ako about UFO last 2008. Summer vacation po nun may nakita kaming 3 white light na paikot-ikot, kaso hindi po naming makita ang iniikutan nito medyo malayo po kasi. Tapos may napanaginipan po ako about sa UFO rin po. Habang nakahiga po ako ay may UFO po na nakatapat sa akin na parang hinihigop ang lakas ko, di po ako makagalaw nun, di rin po ako makapagsalita, tanging isip ko lamang po ang nagpa-function sa akin parang tunay po talaga ang dream nay un, tapos nung pagkagising ko ay hinang-hina ako. Habang nangyayari po yun, parang gising na gising po ang conscious mind ko pero parang rest na rest yung katawan ko kaya hanggang ngayon po ay tandang-tanda ko pa.” – no name

“ano po kaya yung light sa gabi na parang star po, parang running star  po tapos maya-maya po ay biglang lalaki yung liwanag tulad nung morning star tapos po ay biglang nawawala.  Posible po bang ang Santelmo ay UFO din?” – Reymart Supleo, 18, Alma Villa, Gloria, Oriental Mindoro.

“According to Erik Von Daniken’s book Gold of the Gods, isa sa purpose ng mga ET dito sa planeta natin ay an gating gold.” – Gerard of Dagupan City.

“Ang ET ay may super wisdom at knowledge pansinin kaya kayo kundi puro experiment lang ang abutin. Sa Akashic Record matatagpuan ang enlightenment ng ET ang science of man and God.” – Pojhas of Pasay

“Palagay po niyo gaano kabilis lumipad ang UFO? Mabilis po bay an sa mga bagyo at mga rocket.” – Leo of Naic, Cavite

“42 years old na ako at highschool pa lang ako nakakita ako ng UFO. Super bilis maliwanag at parang itong plato na pinagtakip at may bintana na paikot, napakaliwanag. Nang grade school ang anak kong lalaki, gabi din napasigaw siya ng may makita siya, Nang dinidescribe niya katulad ito ng nakita ko. Napakaganda. Napakabilis po ayon sa nakita ko, ilang Segundo lang nawala na sa paningin. Super bilis, super liwanag at super ganda.” – no name

“May documented Filipino po ba na na-abduct.” – Jamie of QC

“Do you realize that UFO sightings are usually seen in countries na may mataas na uri ng mineral deposits?” – Diosa of Davao

“Panoorin po niyo yung movie na The Fourth Kind, kuwento po siya ni dr. Abigail Tyler. True to Life Story.  Nakaexperience siya about aliens.” – Jef of Catanduanes

Recently, on September 20, 2011 there’s video about UFO Triangle Lights sighted in Novaliches.

Other UFO Updates Sightings for the Philippines:

http://www.ufoinfo.com/sightings/philippines.shtml