Aparisyon ni Birheng Maria noong ‘Yolanda’

Isang mapagpalang araw mga ka-Misteryo at ka-METRO, Om Shanti.

Kamakailan lang bago tumama sa kalupaan ang super bagyong Yolanda (Haiyan), ay mismong si Marinduque governor Carmencita Reyes ang nagsabing naligtas sila sa pagtama ng kalamidad nang magpakita sa kanila ang imahe ni Birheng Maria.

Mangiyak-ngiyak pa ngang sinabi ng gobernadora na maging ang kanyang mga kababayan na nakakita sa imahe ng Birheng Maria sa kaulapan ay humagulgol sa pag-iyak sa kanilang nakita. Continue reading