Gud day po sir Rey. Ako po si Ritchie taga Surigao City po. Since nadiscover ko po itong website niyo po, naging favorite ko na po ito since then. Naniniwala po kasi ako na may ibang dimensyon aside po sa mundo natin at naniniwala po ako na hindi nato nag-iisa sa mundo kasi nasa kabilang pinto lang natin ang mga elemental. Marami po kasi akong mga katanungan at alam ko pong matutulungan niyo po ako doon. Naguumpisa na rin akong magpractice ng meditation kasi, I don’t know if its unusual, pero gusto ko po kasing buksang ang third eye ko. Nabasa ko po sa isang post niyo na kailangan muna ebalance ang chakra at ecleansing. tanong ko lang po, yung sinasabing cleansing, paano po ba gagwin yun? Yun hu ba yung sinasabi nilang pagfafasting?
Tpos may isa pa pong akong tanong. Kasi katapat ng lumang bahay namin, may puno ng bakhaw. Dati naalala ko pa noong high school ako late 90s, bigla akong nagiging kasi mag nananaghoy (nagwhiwhistle) tuwing hapon. katapat kasi ng puno na yun ang kwarto ko. Tpos hinahanap ko kung may tao pero wala namn. Each and everytime na nagpapahinga ako sa kwarto ko, mga hapon, mag nagwhiwhistle na parang may tumatawag. Pero pag tinitingnan ko doon mismo sa puno, wala naman. Akala ko ako lang ang nakakapansin pero pala pati mga kapatid ko at pinsan ko na nakatira sa bahay namin pinaparamdaman din sila. each time din kasi na naghi hightide, naapawan ng tubig yung paanan ng puno, tapos pagdating ng gabi, yung tulog na kaming lahat, bigla silang nakakarinig na parang may naglalakad sa tubig doon katapat sa puno pero ng tiningnan namin wala namang tao. At pag nakabalik na kami ng higaan, babalik na naman yung tunog na may parang naglalakad. One time, may kakilala yung nanay ko na manghuhula, tpos nagbisita siya sa bahay namin at napansin nung manghuhula yung puno na un. sabi nya, may mga nakatira daw sa puno mga dewende tsaka isang kapre. Nabigla talaga kami kasi wala kaming sinasabing ganun sa kanya pero nalaman niya. Sabi niya, kaibiganin daw namin kasi mababait daw (karamihan daw puting dewende isa lang yung itim) at magdadala daw yun ng swerte. Dati rati kasi, hindi kami naniniwala sa mga ganun at dinideadma lang namin. May isang pangyayari na yung nanay ko, kasi ayaw niyang maniwala na may nakatira dun, nagwalis siya sa puno nilinisan niya ang paligid nito at nagputol putol siya sa mga sanga ng kahoy. Kinagabihan nun, yung nanay namin biglang nilagnat at nagshishiver siya at nahihirapang maghinga. Kaya simula nun, hindi na niya nililinisan yung tapat ng puno. Lumipas na po ang panahon at dumarami na rin po at mga bahay sa paligid namin at habang tumatagal, nawala na rin po yung tumataghoy at yung tunog na naglalakad sa tubig. Ibig po ba nito sabihin wala na po ba yung nakatira sa puno? Tapos kung saka sakali pong nandiyan pa sila, sa paanong paraan po ba namin sila kaibiganin as advice po nung manghuhula?