Aminin man sa hindi, patuloy na gumagamit ng mga psychic ang pamahalaan ng Estados Unidos para sa pang-e-espiya. Sa katunayan, ginagamit ng Federal Bureau of Investigation ang mga psychic para makita ang mga kritikal at sikretong lungga ng mga terorista.
Nabunyag na noon pa ang tinatawag na “Stargate Project” na pinondohan at sinimulan ng US government noong dekada 70 sa kainitan noon ng Cold War sa pagitan ng mga makapangyarihang bansa sa buong mundo.
Nabunyag noon ang ginawang pangangalap at paggamit ng bansang Rusya sa mga clairvoyant, telepathic at iba pang psychic para sa pang-eespiya, at counter-intelligence.
Dito itinatag ng US ang counter-intelligence program Stargate sa ilalim ng US Army Intelligence and Security Command at pinamunuan noon ni Hal Puthoff at nangalap siya ng mga psychic na tinaguriang “remote viewers.”
Bagaman naging matagumpay noon ang Stargate Project, nabalutan naman ito ng napakatinding iskandalo at intriga, bagaman naipagtanggol ito at umabot pa sa termino ni dating US President Bill Clinton.
Ngunit di rin ito nagtagal kung kayat ang pag-aaral na ginawa dito ay itinuloy sa Stanford Research International ng Stanford University sa Palo Alto, California, ngunit ang mga ginamit na remove viewers noon ay nagkawatak watak mula nang mapaalis sa sikretong Stargate Project.
Hanggang ngayon ay di pa rin maiwasan na maisip ng karamihan na gumagamit ang US ng mga psychic para lamang masilip kung ano ang ginagawa ng mga terorista sa ibang bansa.
Marami ang nagsabi nang bago pa man lusubin ng US ang bansang Iraq ay matagal nang nahuli si Saddam Hussein at gumawa na lamang ng senaryo ang Amerika para maging mas madrama ang pangyayari sa naturang bansa.
Sa mga panahong ito na mas marami nang tao ang nagigising ang kanilang abilidad sa pag-iisip bilang mga psychic, ay pumapasok na tayo sa katotohanan na ang ganitong abilidad ay normal naman talaga sa isang tao.
Ang problema lamang ay kung paano ito gagamitin sa tamang pamamaraan at kung paano ito lalung mapapalakas.
Kung noon ay ginagamit na ang mga psychic laban sa mga kalabang bansa, ngayon ay di malayong ginagamit pa rin ito hindi lang ng Estados Unidos kundi ng iba pang makapangyarihang bansa tulad ng United Kingdom, at China.
Sa aking palagay, kung magamit lang sa tama ang mga taong gising na ang kanilang mga abilidad sa pag-iisip ay marahil mas magiging maganda ang takbo ng buhay ng tao sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas, maituturing na marami sa ating mga kababayan ang meron nang ganitong taglay na abilidad bagaman di pa masyadong pinapansin sa pag-aakalang ito ay isang uri ng kabaliwan.
Isa bang kabaliwan na magamit ang mga taong ito para sa pagpapaunlad ng ating bansa, para masugpo ang mga krimen sa ating kapaligiran, para maging maganda ang turingan ng bawat grupo sa bansa, magkaroon ng pagkakaisa.
Para sa akin ay hindi ito isang kabaliwan, bagkus ay isa itong pagkakataon na maituwid natin ang mga maling desisyon na lalung naglugmok sa atin sa kahirapan para sa mas magandang kinabukasan.
Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mangyaring mag-text sa 0916-7931451 o mag-email sa paranormalrey@gmail.com.#
Being a psychic myself, I truly appreciate this post. Psychics can indeed help the world a lot if they will be given the chance to.
http://dreamauthority.blogspot.com