Debate Tungkol sa ETs, Patuloy

Hanggang ngayon ay di pa rin magkasundo ang mga siyentista sa kung may katotohanan nga ba o hindi ang mga Ekstra-Terestriyal (ET) o ang mga nilalang na taga ibang planeta.

Ito ay batay na rin sa testimonya ng mga taong personal na nakakita ng mga sasakyang pangkalawakan o spaceship na pawang behikulo ng mga ET. Ang mga sasakyang ito ay karaniwang tinatawag sa pangalang UFO o Unidentified Flying Objects.

May mga ulat din na mismong ang mga ET o alien ay personal na ring nakita ng tao ng maraming beses sa ibat-ibang panig ng mundo, habang ang iba ay talagang nakakausap sa pamamagitan ng isip ang mga nilalang na ito.

Ngunit, sa kabila ng ganitong mga naitalang mga pangyayari ay tila asiwa pa rin ang mga siyentista na tanggapin ang katotohanan tungkol sa manipestasyon ng mga UFO, at ET.

Bagaman una nang nakipagkita ng pormal kay George Adamski ang isang Venusian commander na nagpakilalang si Orthon, bagupaman naging maingay noon ang Roswell Crash, ay hindi pa rin kumbinsido ang maraming siyentista sa naging testimonya ni Adamski mismo. Ito ay dahil sa patuloy na pagdududa sa mga ETs kung sila ba ay totoo o kathang isip lamang.

Maging ang Amerikanong siyentista na si Adam Pollard ay hindi makapaniwala sa kanyang nakita sampung taon na ang lumipas nang masaksihan nito ang mga kakaibang liwanag sa kalawakan habang nasa dalampasigan siya ng isang look.

Maaari aniyang ito ay pawang mga UFO batay sa kanyang mga nakita at nabasa sa mga pahayagan at telebisyon, ngunit mahirap pa ring paniwalaan maliban lamang kung nagpakita ang mga ET ng personal sa kanya.

Inamin naman ni Lisa Pratt, isang geology professor, na hindi pa natin alam kung ano nga ba ang sitwasyon sa ibang planeta kung totoo bang merong mga ET at iba pang nilalang?

Bagaman wala pa naman nakikitang mga buhay na nilalang sa ibang planeta, ngunit may mga palatandaan na nakita ang mga siyenstista tulad ng tubig, carbon at enerhiya batay sa pananaliksik at paggalugad na patuloy na ginagawa ng mga ipinadalang sasakyang pangkalawakan at mga robot sa ibang planeta.

Natural ang pananaliksik na ginagawa ng mga eksperto ay batay sa lohikang pangangatwiran at pag-aaral ngunit sa kabila nito ay patuloy naman ang paliwanag na ginagawa ng mga ET contact – mga taong may kakayanang makausap ang mga ibang nilalang na totoong narito na sila sa ating planeta.

Sa palaging tanong kung bakit hindi sila karaniwang nakikita ng ating mga mata, dahil sa simpleng sagot na ang mga nilalang na ito ay hindi mga pisikal na nilikha ng Diyos, bagkus sila ay nasa ibang dimensiyon, at ang kanilang katawan ay maituturing na mga hangin lamang tulad ng mga espiritu.

Bagaman may mga siyentista na kumbinsidong totoo ang mga ET o alien base sa pahayag ng mga mga nakasaksi sa anumang pagpapakita ng mga ito, karamihan pa rin sa mga ito ay mas nanaisin na ibatay ang kanilang paniniwala sa nakikita ng ating mga mata at nahahawakan din natin.

Ayon naman kay astronomy professor Richard Durisen, kung sakali mang totoo na merong alien o ET hindi dapat na asahan na ang kanilang hitsura ay tulad ng mga nilalang na napanood natin sa mga pelikula.

May pagtaya si Durisen na posibleng ang mga alien na ito ay maliliit at maituturing na pawang mga mikrobyo lamang, at malaking malaki ang pagkakaiba sa iba pang nilalang sa buong kalawakan.

Kayo sa palagay po ninyo, totoo bang may mga ET o Alien? Kung totoo, ano sa palagay ninyo ang kanilang hitsura? Nakakatakot ba o hindi? Dapat ba silang katakutan o hindi?

Para sa inyong mga reaksiyon at suhestyon, mag-text lamang sa 0916-7931451 o mag-email sa paranormalrey@gmail.com. #