UFO, Totoo Ba?

Palaisipan pa rin hanggang ngayon sa tao ang mga Unidentified Flying Object o kilala sa tawag na UFO.

Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin magkakatugma ang pananaw tungkol dito ng mga eksperto. Totoo nga ba o kathang isip lamang ang UFO?Ano ang katotohanan sa likod nito? Totoo bang dinadalaw tayo o narito na sa ating planeta ang mga Ekstra-Terestriyal (ET)?

May mga taong nagsasabing na totoo ang UFO at ET dahil sa sila mismo ay personal nang nakakita sa mga ito. Sa katunayan marami nang mga dokumentadong pananaliksik ang nagsasabing totoo nga ang mga ito. Ngunit marami pa rin ang nagdududa tungkol dito sa pagsasabing ito’y kathang isip lamang.

Nagsimula ang kontrobersiya tungkol sa UFO noong 1947 nang kumalat noon ang balitang pagpapakita ng lumilipad na mga sasakyang hugis plato o kilala sa katagang flying saucer.

Tampok nga dito ang balitang bumagsak sa Roswell, Mexico ang isang UFO at nakita dito ang mga wala nang buhay na mga ET. Unang naging kontrobersiyal ang balita tungkol sa mga E-T nang magpakita ang mga ito noong Nobyembre 25, 1896 at muntik nang tangayin sina Colonel H.G. Shaw at Camille Spooner.

Isinalarawan noon ni Col. Shaw ang mga E-T na pawang matatangkad, may malalaking mata at nakita silang sumakay sa isang hugis-tabakong sasakyang pangkalawakan. May paniniwala noon na ang mga nagpakitang E-T ay pawang nagmula sa planetang-Mars.

Ang pagpapakitang yun ng mga E-T at UFO sa tao ay hindi pinansin ngunit ito ay nasundan pa ng sumunod na mga taon.

Kabilang na rito ang malapitang pagpapakita ng mga E-T noong 1901 sa Bournebrook, England; sa Baltimore,Maryland noong taong1910; sa Kanlurang-Australia noong taong 1919; sa La Mancha, Spain noong taong 1925; sa Rochester, Pennsylvania noong taong 1944 at hanggang sa pagsapit ng Hunyo 24, 1947 nang personal na masaksihan ng Amerikanong piloto na si Kenneth Arnold ang paglipad ng mga flying saucers.

Ngunit siyam na buwan bago naging laganap ang balita tungkol sa mga flying saucers, Oktubre 6, 1946 personal na nakita ni George Adamski (1891-1965), dating miyembro ng US Army 13th Cavalry, ang hugis-tabakong sasakyang pangkalawakan na nakalutang sa tapat ng kanyang bahay sa Valley Center, California.

Noong Nobyembre 20, 1952, si Adamski kasama ang anim nitong malapit na kaibigan ay nagtungo sa Mojave Desert, California para magpiknik kasabay ng kanilang misyon na kumuha ng larawan ng mga sasakyang pang-kalawakan tulad ng flying saucer.

Nagtagumpay naman si Adasmki na makunan ng larawan habang pababa ang isang kulay pilak hugis-platong UFO. Lumabas ang isang hugis taong nilalang na may taas na limang talampakan at tatlong pulgada, at nagpakilala sa pangalang Orthon ng Venus.Bagaman marami ang hindi naniwala kay Adamski, ilang personalidad noon ang nag-imbita sa kanya para alamin kung ano ang kanyang nasaksihan at naka-ugnayan.

Kabilang na rito si Queen Juliana ng bansang The Netherlands na inimbitahan si Adamski sa kanyang palasyo sa Amsterdam, at lumabas din ang balita na maging si Pope John XXIII ay nakipagkita rin sa kanya para sa isang pribadong pagpupulong noong Mayo 31, 1963.

Ngunit ito ay itinanggi naman ng Vatican.Ang naging karanasan ni Adamski sa aking paniniwala ay isa lamang sa marami pang pagkakataon na nagpakita sa tao ang mga nilalang mula sa ibang planeta. Maging dito sa Pilipinas ay may mga tao na merong naging ugnayan sa mga taga-ibang planeta.

Bagaman tumanggi silang ihayag muna ang buong detalye ng kanilangnasaksihan ay nagbigay naman ng katiyakan ang mga ito na may takdang panahon para sila ay magpakita ng pormal at personal sa tao.

Para sa inyong mga katanungan, suhestyun at kung may naranasan kayong hiwaga sa inyong buhay , mag-text sa 09167931451 o mag-email sa paranormalrey@gmail.com.#

2 thoughts on “UFO, Totoo Ba?

  1. All of this is not true because all set down there is just crab made ​​just as George Adamski it all for he was interrogated by many people and he is recognized at many places so I know all this because My grandfather would take 120 years old and died on december 24, 2010 and five days before he died he has told me about the extra terristrial or ET so I do not believe in UFO

    thank you ..

Comments are closed.