Atlantis, Nasaan Ba?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa lahat kung nasaan ang Atlantis at ang

alam ng karamihan, ito ay lumubog sa tubig ilang libong taon na ang lumipas sanhi ng

pagbaha at naglaho na lamang ito sa ibabaw ng daigdig.

Marami nang mga teorya ang lumabas kung saan nga ba sa ibabaw ng mundong

ito nandun ang Atlantis bagaman may paniniwala noon na ito ay mga kuwento lamang at

wala saanman panig ng daigdig.

Ang tanyag na tinaguriang “sleeping prophet” na si Edgar Cayce nang siya ay

tanungin tungkol sa Atlantis ay sinabi nitong ito ay matatagpuan sa paligid ng Bermuda

at ito ay pinatunayan noong taong 1969 nang makakita ng geometric stone formations

ang mga siyentista malapit sa Bimini.

Ang iba pang mga lugar kung saan posibleng kinaroroonan noon ng Atlantis ay sa

Antarctica, Mexico, England at sa Cuba.

May teorya din na ang Atlantis ay ang mismong Spartel Island, ang putikang isla

sa Gibraltar na lumubog sa karagatan 11-libong taon na ang lumipas.

Sa pinakahuling teorya na lumabas tungkol sa Atlantis ay batay sa pananaliksik

ng siyentistang si Dr. Rainer Kuehne ng University of Wuppertal, Germany.

Si Dr. Kuehne ay naniniwalang ang isla ng Atlantis ay nasa bansang Espanya

batay sa nakuhang mga litrato ng satellite sa timugang bahagi ng naturang bansa.

Ang mga nakuhang litrato sa timugang Espanya ay halos kapareho sa mga

isinalarawan ni Greek scholar Plato tungkol sa Atlantis na lumubog sa biglaang pagbaha

sa pagitan ng taong 800 b.c. at 500 b.c.

Batay sa nakuhang satellite photos ni Dr. Kuehne, makikita sa salt marsh region

ng Southern Spain na kilala sa tawag na Marisma de Hinojos malapit sa lunsod ng Cadiz,

ang dalawang rektanggulong straktura sa putikan at ang mga nalalabi pang nakatayong

mga straktura sa palibot ng pinaniniwalaang nakatayong templo ng Atlantis.

Alinsunod sa sinulat noon ni Plato, ang isla ng Atlantis ay merong limang “stades”

(925 metro = stade) dayametro na pinaiikutan ng straktura o tinatawag na

“concentric rings”.

Sa nakitang satellite image, naniniwala si Dr. Kuehne na ang rektanggulong

straktura ay ang mga labi ng pilak na templo na ini-alay ng mga Atlantean sa kanilang

sea god na si “Poseidon” at ang gintong templo kapwa para kina Cleito at Poseidon

alinsunod sa sinulat ni Plato na Critias.

Ang paniniwalang sa timugang Espanya nga nandun ang Atlantis noon ay una

nang sinabi ni lecturer at Atlantis researcher Werner Wickboldt nang suriin nito ang mga

nakuhang litrato noon sa naturang lugar.

Bagaman, mas malaki ang sukat at laki ng isla na nakuha sa satellite image na

pinag-aralan ni Dr. Kuehne kesa sa pagsasalarawan ni Plato, dalawa ang maaaring

posibilidad nito, ayon sa eksperto.

Posibleng hindi tiyak ni Plato ang totoong sukat ng lumubog na isla ng Atlantis o

di man kaya ang sinaunang panukat na ginamit noon ni Plato sa measurement unit na

stades ay may malaki ng 20% kung ihahambing sa tradisyunal na panukat ng tao

ngayon.

Ayon kay Wickboldt, ito lamang ang lugar kung saan eksakto sa sinabi ni Plato at

maaaring nalito lamang ang Griyego sa gustong ipakahulugan ng Egyptian word tungkol

sa isla kung saan matatagpuan ang Atlantis.

Kinuwestyun naman ni Tony Wilkinson, isang eksperto sa remote sensing sa

archeology sa University of Edinburgh, United Kingdom, ang konklusyon na ginawa ni Dr.

Keuhne lalu na at sinumang makakita ng satellite image ay may kanya-kanyang

interpretasyon.

Subalit, nanindigan si Dr. Keuhne na tama ang kanyang paniniwala dahil sa

ang pagkakasabi ni Plato na ang Atlantis ay kapatagan, ito ay ang kapatagan na

umuugnay sa baybayin ng timugang Spain sa lunsod ng Seville at ang

bulubundukin na sinabi ni Plato, para kay Dr. Kuehne ay ang Sierra Morena at

Sierra Nevada.