Mga Ka-Misteryo nakaranas ba kayo ng matinding takot nang makituloy sa bahay ng inyong kaibigan at nalaman niyo na pinamamahayan pala ito ng mga multo?
Ito ang kuwentong karanasan ni Mary ng Quezon City nang makituloy sa bahay ng kanyang best friend sa Rizal. “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Ipinagtapat ni Mary sa #TeamMisteryo na yun ang unang pagkakataon na nakituloy siya sa bahay ng kaibigang si Kape kasama ang ilang kaklase nila para gumawa ng thesis. Tiyempong wala ang pamilya ng kaibigan niya na sa ikalawang linggo pa ang balik mula sa bakasyon.
Magdamag silang nagsulat para mapaghandaan ang thesis presentation hanggang sa matapos ito ng madaling araw dahil hindi na inantok ay nagkakwentuhan na lamang ng mga multo at iba pang nakakatakot nilang karanasan.
Si Mary ay sanay nang makarinig ng mga kuwentong multo at malikmata kaya’t nabagot lamang siya hanggang sa dalawin ng antok sa pagkakaupo. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Nang bigla siyang may mapansin sa gilid ng kanyang mata na gumagalaw papalapit sa kanya.
Biglang sulpot ang isang kamay ng babae ngunit kakaiba ang hitsura..,parang tuyot na kahoy na maihahalintulad sa natuyong bangkay o mummy. Hindi makakilos sa pagkakaupo si Mary ngunit matindi na ang takot na kanyang naramdaman.
Gusto niyang sumigaw at humingi ng saklolo sa kanyang mga kasamahan na nasa harap lamang niya ngunit tila hindi siya nakikita at hindi naman siya makasigaw. Unti-unting lumalapit ang kamay hanggang sa nasa tapat na ito ng kanyang mukha. Pilit sumigaw ni Mary pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.
“Tulungan niyo ako, may kamay ng babae…,may kamay!” Halos hirap sa pagsasalita si Mary habang kitang-kita niya ang unti-unting paglapit ng tuyot na kamay. “Ang kamay niya ay maitim na parang kahoy, may suot na transparent na damit hanggang sa makita ko mukha niya…wala siyang mukha..takot na takot ako, kaya pinilit ko sumigaw…” pagtatapat ni Mary sa #TeamMisteryo.
Ngunit tila walang narinig ang kanyang mga kaklase kahit kitang kita niya na nag-uusap sila sa harap niya. Hanggang isang ubos lakas na sigaw ang pinakawalan ni Mary na gumulantang sa kanila. Biglang nagising sa pagkakatulog sa sofa si Mary at nagtataka siya lahat ay nakatingin sa kanya at ilang sandali ay tumawa.
Minabuti ni Mary na manahimik na lamang at nagdesisyong maunang maligo dahil umaga na. Pinilit ni Mary na libangin ang sarili ngunit may takot pa rin sa kanyang dibdib habang paakyat sa ikalawang palapag kung saan andun ang c-r. May napansin siyang nakaupong rebultong kahoy ng anito sa gilid ng hagdan at kinilabutan siya kahawig yun ng babaeng nakita niya,
Nagmamadali siyang pumasok sa banyo, pinilit niyang pawiin ang takot, kumanta siya, nag-isip ng nakakatawa ngunit tila sinundan siya ng ‘anito’ at isang malakas na katok ang narinig niya sa pinto ng banyo, nasindak si Mary, nagtitil At halos hindi pa nakapagbihis na tumakbo palabas ng banyo hanggang sa magkagulo ang kanyang mga kaklase at sinaklolohan siya. Mula noon ay ayaw na niyang bumalik sa naturang bahay.
Isa si Mary sa ilang may katulad na karanasan na pinagpakitaan ng mga espiritu na nakalukob sa rebulto. May isa ding kuwento na mismong rebulto ng birheng Maria ay gumalaw at hinawakan sa kamay ang isang dalagita.