Mensahe ng mga ET at Panaginip

Bagaman abala tayo sa pang-araw araw nating buhay at sa mga ibat-ibang isyu sa ating kapaligiran lalu na ng pulitika, marami pa rin sa ating mga kababayan ang patuloy na nakakaranas ng mga kababalaghan na hindi kayang ipaliwanag ng lohikang kaisipan.

Kabilang sa mga karanasang ito ay ang pagpapakita ng mga UFO at Ekstra-Terestriyal sa tao na bagaman pilit na ipinagwawalang bahala ng mga nasa gobyerno ay siya namang patuloy na manipestasyon sa ating buhay.

Tulad ng naging karanasan ng mga kababayan natin mula sa Bulacan at Valenzuela City.

* May ng Valenzuela City: Year 1993 ng magkaroon ako ng kaugnyan tungkol sa alien e.t. at dumating yung araw na nakarating din ako sa kanilang place to the another planet,mga kawangis din ntin sila–mga humanoids sila kung tawgin,ang kaibahan nga lang ntin sa kanila, nakakausap nila ang dakilang lumalang sa atin o ang tinatawag nating Diyos na lumalang sa lahat. Isang malakas na paglindol ang mangyayari sa buong mundo na ubod ng lakas. Lahat ng masama ay masasawi, magkakaroon muli ng bagong mundo sa pagwasak ng mundo lahat sila (ET) ay lalantad. Pagdating ng panahon pag ang mundo ay nilinis ng Poong Maykapal o I mean pipiliin na ang mabuti at masama, sila (ET) ang tutulong para ang mga mabuti ay maligtas. Hindi pa huli ang lahat para magpakabuti na dapat ang lahat ng tao upang makamit natin ang tagumpay at gantimpala ng Poong Maykapal at masilayan natin ang bagong mundo with ET. Sa pamamagitan niyo ay maipaalam sa mga tao ang katotohanan at ito na yung takdang panahon na sinasabi nila.

* Ging-ging ng Bulacan: May karanasan ho ako sa UFO mga ilang taon na din ang lumipas. Minsan isang gabi ay namataan ako na UFO na ang lopad niya ay mataas lang ng konti sa puno ng niyog dati sa tapat ng bahay namin. Bilog siya na parang plato at marami siyang pulang ilaw sa paligid. Ang kahanga hanga wala siyang kaingay-ingay sa papawirin sa paglipad at pagtala niya na kung ikukumpara sa helicopter at eroplano na kapag mababa ang lipad dapat sana ay napakaingay na niya. Yung UFO ay tahimik lang at nang ilang Segundo sa ere ay bilang tumalilis siya ng lipad sa isang saglit lang eh naglaho na siya sa kanyang kinalulugaran na parang isang bulang naglaho. Ito po ang aking karanasan sa nakita kong UFO malapit lang ho dito sa bahay naming na di ko malilimutan ang hitsura. Pagkuwento ko po sa inyo ay kinikilabutan pa din ako kasi dun lang ako nakakita ng ganung klaseng bagay.

* Milo Pascual: Mr Sibayan nais ko lang ipaalam sa iyo na kaisa mo ako sa paniniwala na may iba pang nilalang bukod sa ating mga tao

* RS: Ang mga karanasan nina May at Gingging ay palatandaan na ang mga nilalang na ito na hindi lantaran kung magpakita sa tao ay nagaganap anumang oras o saanman. Ngunit ang mahalaga sa ganitong mga karanasan ay kung ano ang mensahe na nais nilang ipaabot sa tao. Tulad na lamang ng mensaheng nasagap ni May na kailangang magbago na ang lahat ng tao at isipin ang ikabubuti hindi lamang ng sarili kundi ng buong sangkatauhan. Kamakailan lang ay sinabihan din ako ng isa naming kasamahan sa Eye in the Sky ng DZRH, nang magpakita kay Gerald Jambora ang kakaibang sasakyang pangkalawakan sa Antipolo City. Ayon kay Jambora ang mga nakita niyang makulay na ilaw na pabilog ay mas matingkad ang kulay pula na may halong asul.

* Myda ng Baliuag, Bulacan: Lagi po akong nagbabasa ng inyong segment sa BALITA. Ask ko lng po kung ano ibig ipahiwatig ng panaginip ko na eroplanong bumabagsak. Madalas po ito. Balak ko po sanang mgtrabaho sa ibang bansa. Sana po masagot nyo po para mlinawan po ako kung tutuloy pa ako. Thanks

* RS: Ang panaginip tulad ng mga nauna ko nang sinabi ay karaniwang simboliko ngunit may mga pagkakataon na maaaring ito ay babala sa hinaharap. Sa panaginip ni Myda ito ay isang babala na maaaring hindi mo maabot ang iyong hinahangad sa ngayon ngunit wag mawalang na pag-asa dahil sa ang taong matiyaga at masipag na may positibong kaisipan ay maaari pa ring matupad ang mga pangarap.

* Sugar ng Siniloan, Laguna: Tanong ko lang po kung ano dapat ko gawin para mabuksan ang third eye?

* RS: Hindi basta-basta ang pagbubukas ng third eye at lalung hindi ito gawang biro lamang dahil sa malaki ang responsibilidad mo kung gusto mong mabuksan ito. Tulad ng sinabi ni Master Del Pei sa aming seminar nitong nakalipas na buwan ay kung nakakakita ka ng mga espiritu ay hindi nangangahulugan na bukas na iyong third eye dahil sa ang ikatlong matang ito ng ating sangkatauhan ay isang mekanismo para makumpleto ang kuneksiyon natin sa Poong Maykapal.

May nagtanong din sa akin na minsan may kuryente sa kanyang katawan na kapag hinawakan ng isang tao ay napapaigtad sa lakas ng kuryente. Ito ay ang enerhiya na bumabalot sa ating katawan na kaya napapaigtad ka o sinuman ang humawak sayo dahil sa sobra ang enerhiyang iyon. At ang enerhiyang ito kapag nagawa nating kontrolin ay may kakayanan na pagalawin o pasabugin ang isang bagay sa tulong ng ating isip.