This is not the usual remote-viewing practice but any psychic or trained remote viewer can do what this psychic couples did . They remote-viewed while watching the vlog via Youtube of a couple of vloggers, who went to the Gandara gateway of Biringan City.
Edu said it was an amazing experience seeing the real Biringan City and they were allowed to see psychically the beautiful highly-advanced city.
Read more (In Filipino Language the full details of this experience)
https://tonite.abante.com.ph/mga-engkanto-tao-at-ibang-nilalang-sa-biringan/
Mga ka-Misteryo hindi lang mga engkanto kundi meron ding tao mula sa iba’t ibang panahon, mga Ekstra-Terestriyal at iba pang nilalang sa Biringan, ang sinasabing Lost City o Invisible City sa Samar.
Si Edu at kanyang psychic partner ay nag-remote viewing habang pinapanood ang video ng isang vlogger na nagpunta sa Biringan City. Pinasok ng vlogger ang portal ng Biringan sa pagdaan sa isang magubat na lugar sa Gandara, Samar.
Misteryo: “Sabi mo kitang-kita niyo yung malalaking nilalang na nagbabantay sa Biringan at sila ay kasinglaki ng mga puno sa paligid. Paki-describe mga hitsura nila?”
Edu: “Gulat nga kami ng partner ko kasi pareho kaming naka-focus sa dinadaanan nina Donzkie at Maggie, nakita namin yung mga nilalang na itim na damit mula leeg na hindi makita yung ulo hanggang sa kanilang binti. Matatangkad sila na may konting liwanag ang mga mata. Hindi ko masabing engkanto sila kasing taas sila ng matataas na kahoy sa lugar at dahan-dahan sila maglakad. Hindi naman sila mga punong-tuod na karaniwang alam nating mga engkanto sa kagubatan.”
Misteryo: “So sinasabi mo nagawa niyong pasukin thru remote viewing yung Biringan, ano ang nakita niyo?”
Edu: “Maliwanag yung buong lunsod at parang nasa alas-10 ng umaga na pero nung pinasok ng vloggers yun ay gabi na meaning magkaiba ang oras sa mundo natin at sa Biringan City. Tapos kitang-kita namin maganda yung lunsod may matataas na modernong building, napaka-advance yung transportation may flying cars at railway system nila at maingay yung paligid. Nakapagtataka lang magkakaiba ng damit ang nga tao mukhang galing sa iba’t ibang panahon. Hindi ko tuloy malaman kung totoong tao ba sila ay mga kaluluwa. Maaari ding advanced humans sila mula sa ibang planeta o dimensyon.”
Misteryo: “Mukhang napakaganda nga ng lugar kaya totoo pala yung kumalat na kuwento na may bakasyonistang nakapasok doon at hindi na nagbalik ng Maynila nagpadala ng sulat sa pamilya at sinabing masayang-masaya siya na tumira sa Biringan City. Tanong ko sayo kung papayagan ka pumunta dun gusto mo ba mag-stay dun?”
Edu: “Hindi, kasi maiiba na ang purpose mo sa buhay, putol na ang timeline mo as human being sa mundong ito. Pero may free will ang sinuman di ba? But I personally would not advise na mag-stay dun saka mukhang selective lang ang makakapasok sa Biringan City for special purpose.”
Para sa inyong mga kuwentong kababalaghan mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph
READ the first part of this Remote Viewing adventure by the Psychic Couple while watching the Couple Vloggers physical visit of Biringan City in Samar.
Watch the Couple Vloggers video on-cam experience when they visited Biringan City in the middle of forest in Gandara, Samar.