Anghel, Meron Ba Talaga o Wala?

Totoo bang tayo ay may anghel? Ano ba ang hitsura ng anghel? Kung totoong may anghel, bakit hindi sila nakikita ng tao?

Ang mga tanong na yan tulad ng kung totoong may anghel, ang sagot kay totoo. Sila ang mga nilalang na naatasang magbantay, umalalay sa tao at maghayag ng mensahe mula sa Panginoong Diyos.

Sa ikalawang tanong kung ano ang hitsura nila? Batay sa mga dokumentadong karanasan ng mga taong nakakita ng anghel, ang mga nilalang na ito ay nakikita sa ibat-ibang kaanyuan. May mga anghel na nakikitang merong malalaking pakpak ng ibon at ang iba naman ay wala.

Kung bakit iilan lamang ang nakakakita sa mga anghel, ang sagot ko naman dyan ay dahil sa iilan din ang may kakayanan na sila ay makita. Karaniwan silang nakikita ng mga taong mnay abilidad na makita ang daigdig ng mga espiritu.

Ngunit may mga pagkakataon na ang mga anghel ay nagpapakita bilang isang tao, malay mo ang taong di mo kilala na nagbigay sayo ng tulong ay anghel.

Batay sa paniniwala ng mga relihiyon at tradisyon, meron siyam na koro (choir) ng mga anghel. Ang mga ito ay ang Serapim (Seraphim), Kerubin (Cherubim), Trono (Thrones), Dominyo (Dominions), Birtud (Virtues), Kapangyarihan (Powers), Prinsipalidad (Principalities), Arkanghel (Archangels) at ang regular na Anghel.

Ang Serapim ay ang pinakamataas na koro ng mga anghel. Sila ang palaging nagbabantay sa trono ng Panginoong Diyos at pumupuri sa kanyang kaluwalhatian.

Maaari silang magpakita na merong anim na pakpak – dalawa ay tumatakip sa kanilang mukha, dalawa nakatakip sa paa at dalawa ang ginagamit sa paglipad.

Ang Kerubin ay pangalawa sa may pinakamahalang tungkulin sa koro ng mga anghel. Maaari silang magpakita ng animoy tao na merong dalawang pakpak. Sila ay sumisimbolo ng kapangyarihan ng Panginoong Diyos.

Ang Trono ay mga anghel ng pagpapakumbaba, at kapayapaan. Sila ay nasa isang dimensiyon kung saan hinuhubog ang mangyayari pa lamang sa materyal na daigdig. Tagapamagitan sila ng mga anghel sa mababang antas para makaugnayan ang Diyos.

Ang Dominyon, ay mga anghel ng pagiging lider. Sila ang tagamasid sa mga tungkulin na dapat gampanan ng mga anghel para sa mga iniaatas na misyon ng Diyos.

Ang Birtud ay mga anghel na sumasaklaw sa mga espiritu ng Kalikasan at mga Elemento. Sila ang nagbibigay ng babala kapag ang isang nilalang ay nasa panganib. Nakaatang din sa kanila ang mga himala, pagkakaloob ng tapang, at grasya sa mga nilalang.

Ang Kapangyarihan, ay mga itinuturing na Mandirigmang Anghel na lumalaban sa mga kampon ng Kasamaan na pinamumuan ng mga Anghel ng Kadiliman na kilalang si Samael o Camael.

Ang Arkanghel, ay ang mga anghel na tinawag na Hepe ng mga Anghel. Marami sa kanilang hanay tulad nina San Miguel, San Gabriel, at San Rapael ang nabanggit sa Bibliya na humubog sa buhay at kasaysayan ng Panginoong Hesukristo.

Ang Prinsipalidad ay mga anghel na sumusubaybay sa malalaking grupo o organisasyon ng mga nilalang. Biglang dumarating ang mga anghel na ito sa mga malakihang pagpupulong. Maituturing din silang protektor ng mga relihiyon at pulitika. Maaari din silang konsultahin ng mga lider para sa anumang sensitibong mga desisyon.

Ang mga regular na Anghel, sila ang nagbabantay sa bawat tao. Kilala rin sila bilang “guardian angel” na naatasang magbantay, ,magbigay ng inspirasyon at proteksiyon sa tao mula pagkapanganak hanggang sa mamatay. May kakayanan din silang makipag-ugnayan sa lahat ng mga anghel sa lahat ng antas nito.

Para sa inyong mga katanungan at suhestyun, mag-text sa 0916-7931451 o mag-email sa paranormalrey@gmail.com.#