Astral Projection, Pagsilip sa Kabilang Buhay


Paano nga ba malalaman ang katotohanan tungkol sa kabilang buhay? Ang karaniwang sagot ditto ay: malalaman lamang ang katotohanan sa kabilang buhay kapag tayo ay namatay na sa daigdig na pisikal.

Ngunit ayon sa mga taong dumanas na ng near-death experience o muntik nang kamatayan ay nagsabing totoo ang kabilang buhay. Kailangan pa ba nating hintayin ang ating kamatayan para lamang mapaatunayan ang katotohanan tungkol sa kabilang buhay?

May mga taong hindi nakaranas ng near-death-experience ang nagsabing alam nila ang paraan para patunayan at silipin ang katotohanan sa kabilang buhay. Ito ay sa pamamagitan ng tinatawag na astral projection o ang kakayahang maihiwalay ang bahagi ng iyong kaluluwa mula sa katawang lupa. Marami ang takot sa ganitong pamamaraan dahil sa akalang baka mamatay ang taong gagawa nito, ngunit ang takot ay mamamayani lamang sa mga taong walang sapat na kaalaman tungkol dito.

Ayon kay Astral Traveller Jerry Gross, “ang unang-unang dapat na mawala sa isang tao para magtagumpay sa astral projection ay ang matinding takot nito lalu na sa pagharap sa kamatayan.”

Ngunit likas na sa tao ngayon ang takot mamatay, sanhi ng maraming kadahilanan. Kabilang na rito ang takot na mawala sa piling ng mga mahal sa buhay, ayaw mamatay dahil sa hindi pa tapos ang kanyang misyon sa mundong ibabaw, at ang iba naman ay takot mamatay dahil sa hindi alam kung totoo nga bang may kabilang buhay.

Subalit, palagi nating tandaan na ang kamatayan ay parang isang magnanakaw na biglang dumarating sa atin – nakahanda man tayo o hindi. Kung talagang oras mo na ay talagang mamamatay ka.

Ngunit paano mawawala ang ating takot na harapin ang kamatayan? Dapat nating tanggapin ang katotohanan na nang isilang tayo sa mundong ibabaw, meron tayong pisikal na katawan para magampanan ang ating tungkulin sa daigdig na pisikal, ngunit alam din nating meron tayong isa pang katawan na tinatawag na astral body o kilala sa tawag na kaluluwa.

Ang konsepto ng astral projection ay ang paglabas ng ating kaluluwa mula sa ating pisikal na katawan. Kung napanood ninyo ang pelikulang The Frighteners na kinatampukan ni Michael J. Fox bilang isang psychic investigator ay nagawa nitong makalabas ng kanyang katawan para lamang sagupain ang masamang espiritu.

Ayon pa kay Gross, kapag naging bihasa na ang sinuman sa astral projection, malalaman niya ang napakalaking kaibhan ng pisikal na katawan sa astral na katawan.

Kung ang pisikal nating katawan ay napakabigat at hinahatak ng gravity o magnet ng lupa, ang astral body ay hindi. May kakayahan itong lumipad, tumagos sa dingding, at magtungo sa kahit gaano kalayong lugar sa pamamagitan lamang ng isip. At ang isa pang napakagandang katangian nito ay hindi ito nasusugatan dahil ito ay immortal.

Kung alam lamang ninyo na ang mga panaginip tulad ng paglipad, pagtungo sa kakaibang mga lugar, pakikipag-usap sa mga namayapa ay bahagi ng astral projection, dahil sa pagtulog ang katawang lupa ay namamahinga rin ang kamalayang pisikal at ang gumagana lamang ay ang tinatawag na subconscious mind o kamalayang espiritwal.

Para sa inyong katanungan o suhestyun, mangyaring mag-text lamang sa 09167931451 o mag-e-mail sa psiphenomena@yahoo.com. Tignan din ang website: www.geocities.com/psiphenomena.