Biglang paglaho ng tao, misteryo pa rin

May mga insidente na ang isang tao ay biglang naglalaho sa paningin ng kapwa.

Ito ba ay totoong nangyayari o bunga lamang ng imahinasyon. Ito ngayon ang patuloy na

sinasaliksik ng mga eksperto sa paranormal.

Ngunit, sabihin man natin na hindi ito totoong nangyayari ay mahirap namang

ipaliwanag ang karanasan ng ilang indibidwal na nakaranas nito at maging sila ay hindi

nila alam kung bakit nila ito naranasan.

Isang babae na si Melanie ng Ventura, California ay nagkaroon ng ganitong

karanasan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa sa kanilang sala at nakatitig lamang sa

kawalan sa dingding ng kanilang bahay nang biglang dumaan sa harap niya at ilang beses

siyang nilagpasan ng kanyang asawa na animoy hindi siya nakikita. Sa katunayan,

hinahanap siya ng kanyang asawa ng mga oras na iyon ngunit sa loob ng sampung

minuto ay hindi siya nakita.

Ayon kay Donna Higbee, imbestigador sa naturang phenomenon na tinagurian

niyang “Human Spontaneous Involuntary Invisibility”, may mga pagkakataon na

nararanasan ito ng tao. Ang mga taong biktima ng naturang misteryo ay normal na

nakagagalaw sa paligid nito ngunit hindi naman siya nakikita ng mga taong nasa tabi

nito. Inihayag nito na ang naturang karanasan ay kaiba sa mga pagkakataon sinasadya

kang wag pansinin ng tao mo, dahil dito hindi ka talaga nakikita kaya hindi ka pansin.

May mga pagkakataon pa, ayon kay Higbee, na ang isang tao ay maaaring

makaranas hindi lamang isa kundi maraming beses ng bigla itong nawawala sa paningin

ng kanyang mga kasambahay, kaibigan o mga taong nasa paligid niya.

Ang amerikanong si Daniel S. Felt, ay naging imbisibol sa paningin hindi lamang

ng kanyang mga kaibigan kundi sa mata ng mga pulis na nanita sa kanila nang

magpaputok sila ng rebentador sa kanilang lugar.

Lahat ng kanyang mga kaibigan ay sinita ng mga nag-respondeng pulis, ngunit

lubos na nagtataka si Felt kung bakit hindi man lang siya nilapitan at hiningan ng ID ng

mga otoridad. Nagtaka rin siya dahil hindi rin siya nakita ng kanyang mga kaibigan nang

mga oras na sinita sila ng mga pulis

Bagaman, wala pang malinaw na paliwanag dito ang mga siyentista, ang mga

nasa larangan naman ng paranormal ay nagsabi na ang ganitong misteryo ay maaaring

mangyari sa mga taong nasa mataas na antas ng espiritwal tulad ng mga nagyo-yoga at

mahilig mag-meditasyon. Ngunit may mga pagkakataon na mangyayari din ito sa mga

taong binibigyan ng proteksiyon ng kanilang mga anghel dela guardiya, o kundi man ay

kaya itong kontrolin ng isip ng tao.

Isang grupo na tinaguriang “Rosicrucians” ang nagsabing kaya nilang kontrolin at

sadyain na hindi makita o imbisibol sa mata ng kapwa, at ito ay sa pamamagitan ng

masidhing konsentrasyon ng isipan na ito ay gawin.

Gayunman, karaniwan itong nangyayari sa ating normal na pamumuhay nang

hindi natin sinasadya na ang akala naman natin ay nagkataon lamang kaya di natin

pinapansin. May mga pagkakataon na dumarating ako sa aming bahay nang hindi

namamalayan ng aking kasambahay. Magugulat na lamang sila na ako pala ay nakauwi

na at nakaupo sa isang sulok.

Kung meron kayong ganitong karanasan at tanong, mag-text lamang sa

09167931451 o mag-email sa psiphenomena@yahoo.com. #