Nananatiling misteryo hanggang ngayon ang bangungot na halos karaniwang nararanasan sa panahon ng pagtulog. Lalu itong kinatatakutan ng karamihan dahil sa may mga kaso na namamatay ang mga biktima.
Marami ang mga haka-haka at paniniwala na ang bangungot ay nangyayari kapag natulog ang tao na kakakain pa lamang o kaya ay sobrang busog. Kaya nga ang sabi ng matatanda na “wag tayong matutulog kapag kakakain natin at sobrang busog baka bangungutin.”
May ibat-ibang teorya tungkol dito ang mga siyentista, mga duktor at mga mananaliksik sa larangan ng paranormal na nais alamin kung ano nga ba ang dahilan ng bangungot sa tao.
Ibat-iba ang nararanasan ng tao sa kapag binabangungot. Kalimitan nararanasan na may nakadagan sa katawan at hindi makakilos.
May mga bangungot na animo’y nakapatong at sinasakal ang biktima habang pinipilit na sumigaw ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig, bagaman may kasong akala ay napakalakas ng ating paghiyaw.
Ang mga kababaihan ay nakakaranas ng biglang may tumatabi sa higaan at pinipilit na ilugso ang puri o ginagahasa o di man kaya ay sinusuyo hanggang sa hindi matanggihan ang nais ng nilalang na sila ay makatalik.
Mula pa noong taong 1000 hanggang 1500 A.D. o Middle English Period ay may mga kaso ng bangungot at nanatili pa rin itong misteryo ngayon.
Kabilang sa mga teorya ay ang tinatawag na “Old Hag Syndrome” – isang uri ng bangungot na may nakadagan sa natutulog at nahihirapang makahinga na may pakiramdam na sinasakal.
Ang isa pang teorya mula sa hanay ng mga duktor at mga siyentista, ito ay “Sleep Paralysis” – ang panahon na paralisado ang buong katawan ng tao ngunit gising ang diwa nito na kung tawagin din ay Hypnogogic/Hypnopompic Paralysis.
Ito ay iniuugnay sa hypnagogic hallucinations o ang tinatawag na dream-like mentation (ang paggamit sa bahagi ng ating utak). Iniuugnay din ito sa Narcolepsy – isang neurological condition kung saan ang isang tao ay merong hindi makontrol na pagtulog.
Ang isa pang teorya ay ang posibleng kagagawan ito ng mga nilalang sa ibang dimensiyon na karaniwang tinatawag na “Incubus” – ang mga lalaking nilalang na pinipilit makipagsiping sa mga natutulog na babae, at “Succubus” naman ang tawag sa mga babaeng nilalang na dumadalaw sa pagtulog ng mga kalalakihan. Ang incubus ay halaw sa salitang latin na “incubo” na nangangahulugan ng “burden o weight”.
Para sa akin ang misteryo ng bangungot ay maaaring magkaroon ng kasagutan depende sa abot ng kaisipan ng bawat isa sa atin. Ngunit iisa lamang ang maaari kong konklusyon tungkol dito.
May basehan ang lahat ng mga teorya subalit ang pinakamahalaga sa lahat, ang tao bilang isang nilalang ay dalawamput-apat na oras na gising ang diwa at may kakayahan itong makalabas ng katawan habang tulog na karaniwang akala natin ay panaginip.
Sa aking palagay para maiwasan ang bangungot, una, ugaliin nating manalangin at wag matulog ng busog.
Pangalawa, kailangang palagi tayong mag-isip ng positibo at wag isipin ang problema bago matulog.
At pangatlo, maging mahinahon kapag binangungot, harapin natin at wag matakot, manalangin, at pilitin na lumipat sa isang magandang lugar sa panaginip.
Para sa inyong mga karanasan mag-text sa 0916-7931451 o mag-e-mail sa paranormalforce@yahoo.com.
masasabi ko lang kung minsan tama rin ang mga kasabihan kung misan din ay may sa lihis ang pang yayari ayon saking karanasan. Minsan madalas ako kumain sa gabi sabay tulog ehh hinde manlang ako binagungot.Mas naniniwala pa ako na pagod ka sabay tulog sa puntong iyo paralisado ang aking katawan dun ko naranasan na bangungutin ng grabi feel na feel ko ung nararamdaman ko nakakakilabot pero laking pasasalamat ko nakaraos din ako sa pangalan ni Hesus at kasabay nito pinabayaan ko ang aking sarili sa nagaganap,huminga ako ng malalim,pinakalma ko ang aking sarili habang nagaganap ang kababalaghan at habang binibigkas ang pangalan ni Hesus ay unti unting kumakalma ang kababalaghan sa paligid ko.THANKS GOD IN THE NAME OF THE FATHER. Posted by Ryan Escobar