Ayon sa Christian Theology, ang “charismata” ay ang spiritual gifts o regalong espiritwal na ipinagkaloob sa bawat Kristiyano para lalu pang maging matibay ang pananalig sa Simbahan at pananampalayata sa Diyos.
Kabilang sa mga nababalitang charismata ay ang tinatawag na “speaking in tongues” at “interpretation of tongues” Ang speaking in tongues ay ang pagsasalita ng lengguahe o wika kaiba sa nakagisnan o ginagamit ng taong meron nito. Samantalang ang interpretation of tongues ay ang taong may kakayanan sa interpretasyon ng hindi maintindihang lengguwahe.
Ang ganitong “regalo” mula sa Diyos ay nakasaad sa Bagong Tipan ng Bibliya partikular na sa Unang Corinto 12, Romans 12 at Ephesians 4. Bagaman sinasabing ang charismata ay umubra lamang sa mga sinaunang Kristiyano alinsunod sa paniniwala ng ilang denominasyon ng mga Protestante. Tinukoy dito ang speaking in tongue at interpretation of tongue ay naganap lamang sa mga naunang panahon ng Kristiyanismo o ang paniniwalang tinatawag na “cessationism.”
Ngunit marami ang naniniwala na nagaganap pa rin ito sa mga panahong ito. Ang mga nasa paniniwalang Charismatic, Pentecostal, Apostolic at iba pang denominasyon ng Kristiyanismo gayundin ang Katoliko Romano, Eastern Orthodoxy at iba pang denominasyon ng mga Protestante.
Naniniwala naman ako na hindi lang ito limitado sa paniniwala ng mga Kristiyano kundi maging ng iba pang relihiyon ngunit iba lamang ang katawagan sa regalong ito mula sa Kaitasaan. Sa aking sariling pananaliksik anuman ang relihiyong kinaaaniban, anuman ang antas ng iyong pamumuhay at sinukaman sa lipunan ay maaaring magkaroon ng ganitong regalo mula sa Diyos dahil lahat ay espesyal para sa mata ng Poong Lumikha sa atin.
Magkakaiba ang mga opinyon kung ilan nga ba ang spiritual gifts o charismata na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. May mga nagsasabi na ito ay pito samantalang may ibang sektor naman ang naniniwala na siyam lahat.
Bukod sa naunang dalawang binanggit ko na charismata – speaking in tongue at interpretation of tongue na maaari ding pag-isahin sa tawag na “tongue”, ang iba pang regalong espiritwal mula sa Diyos ay ang “word of wisdom” na nakasaad sa 1Cor 12:8; “word of knowledge” 1Cor 12:8; “faith” o pananampalataya 1Cor 12:9; “gift of healing” 1Cor 12:9, 12:28; “miracles” o himala at “miraculous powers” 1Cor 12:10, 12:28; “prophecy” 1Cor 12:10, 1Cor 12:28, Rom 12:6, Eph 4:11; “discernment of spirits” o pagtukoy sa mga espiritu 1Cor 12:10.
Personal kong napatunayan ang ganitong regalo o gift mula sa Poong Lumikha nang ilang beses ko nang ipina-konsulta sa isang kaibigan ang mga katagang nasasabi ng isang tao kahit na siya ay gising – nangangahulugan nakakapagsalita siya ng ibang lengguwahe kahit na hindi siya nasa kundisyon ng tinatawag na trance na posibleng may ibang nilalang na gumagamit lamang sa kanyang bibig para magsalita.
Hindi ko lubos mapaniwalaan na meron siyang kakayanan na makapagsalita ng mga lengguwaheng Arabic, Icelandic, Hangkok at ang pinakahuli ay ang pagsasalita niya ng lengguwahe ng mga katutubong American Indian.
Sa aking personal na pananaw, maaari nating masabing ang taong ito ay merong isa sa siyam na charismata ngunit sa pagkakakilala ko sa kanya hindi lamang isa kundi halos lahat ng spiritual gifts ay meron siya.
Ngunit ako ay naniniwala na hindi lamang iilan ang meron nito kundi tayong lahat na nilikha ng Diyos ay meron dahil sa wala namang pinipili ang Poong Lumikha sa atin sa aking personal na paniniwalang LAHAT TAYO AY ESPESYAL sa KANYA. Kailangan lamang na magising tayo sa ganung katotohanan at isaisip na anumang spiritual gift na matuklasan natin ay magamit natin para sa ikabubuti hindi lamang ng ating sarili kundi lalu na sa ating kapwa at sa buong sangkatauhan sa planetang at sa buong kalawakan sa pangkalahatan.