Kung totoong merong anghel, paano natin sila makakaugnayan. Ano ang mga paraan para makilala mo ang iyong anghel.
May mga pamamaraan ang mga anghel kung nais nilang makipag-ugnayan sa mga tao, naniniwala man tayo sa kanila o hindi.
Maaari silang magpakita sa inyong panaginip, dahil sa kapag tayo ay tulog doon lamang nagiging sensitibo ang ating isipan dahil ang buong katawang pisikal ay namamahinga. Sa panaginip din nagagawang makipag-ugnayan ang espiritu ng taong namayapa na.
Maaari ding makipag-ugnayan ang anghel sa pamamagitan ng kanilang tinig.
Maaari mong marinig ang anghel ngunit hindi mo nakikita. May mga tao na aktibo ang kanilang pandinig sa mga nilalang sa ibang dimensiyon tulad ng mga espiritu, kaluluwa kabilang na ang mga anghel.
Maaari din silang magpakita sa mga taong may kakayanan na makita ang mga espiritu o mga tinatawag na clairvoyant. Maaaring magpakita sila bilang liwanag na may hugis o purong na maningning na puting liwanag. May kaibigan ako na tingin niya sa mga anghel ay silwet o anino na transparent.
Ngunit, ang pinakamagandang paraan ay magpakita ang anghel na parang isang ordinaryong tao, na biglang sulpot para tumulong saka bilang nawawala sa paningin.
Isang kaibigan ko si Chris, ang nagsabi sa akin na iniligtas siya ng kanyang anghel nang siya ay mahulog sa pagkakapit sa pampasaherong dyip, parang tumigil ang buong kapaligiran para lamang makabangon siya sa pagkakabagsak kung hindi ay maaari siyang masagasaan ng kasunod na dyip.
Ngunit maaari ninyong maka-ugnayan ang inyong anghel sa pamamagitan ng inyong isip, maaaring ito ay sa meditasyon o di man kaya ay ang komunikasyon sa isip o tinatawag na telepathy. May limang paraan para maisakatuparan ang ugnayan sa ating anghel:
1. Imbitahan mo sila – kailangang imbitahan mo ang mga anghel sa iyong buhay lalu na ang inyong anghel de la guardiya. Para ding tao yan, hindi tutugon sa kahilingan mo kung hindi ka nagbubukas ng iyong pintuan para sa kanila. May mga panalangin na maaaring gamitin para sila ay imbitahan sa iyong buhay, ngunit kahit yung simpleng imbitasyon lamang na bukal sa kalooban ay sapat na. Merong tinatawag na
“cosmic protocol” ang tatlong beses na kahilingan mo para sila pumasok sa inyong buhay. Hindi sila makikipag-ugnayan sayo kung wala kang imbitasyon sa kanila. Nirerespeto nila palagi ang bawat desisyon ng tao dahil sa ating free will o malayang desisyon.
2. Panatilihing kalmado at nasa ayos ang inyong emosyon – kailangan ganito ang palaging kundisyon sa iyong paligid para matiyak mo na mabuti ang mga anghel na nasa paligid mo. Nangangahulugan na kung ano ang enerhiya sa katawan mo at sa paligid mo dun mas komportable ang mga espiritu lalu na ang mga anghel. Ang mga mabuting anghel ay hindi darating sayong piling kung ikaw mismo ay may problema sa iyong kalooban. Kung mas kalmado ka, mas malinaw ang komunikasyon mo sa kanila.
3. Paganahin ang inyong kutob o intuition – kailangang paganahin ang iyong sariling pakiramdam…kung meron tayong external senses o panlabas na pakiramdam, meron din tayong inner o panloob na siyang pakiramdam natin sa ating espiritwal o kilala rin bilang psychic ability.
4 Mahalin mo ang iyong anghel
5 Panatilihing maaliwalas ang inyong buhay at bahay, kapaligiran lalu na ang inyong awra dahil sa mahihirapan kang maka-ugnayan ang iyong anghel kapag magulo ang iyong buhay lalu na ang kapaligiran na ginagalawan mo. Harinawa sa inyong buhay ay inyong maranasan ang pakikipag-ugnayan sa inyong mga anghel, sila ay kaibigan natin na handang tumulong at gabayan tayo.
i thought your blog was cool and i think you may like this cool Website. now just Click Here