Maraming hiwaga ang nagaganap sa ating buhay na hindi basta maipaliwanag ng lohika nating kaisipan.
Lalu na sa larangan ng pag-ibig na karaniwan na ngayong nalalagay sa masalimuot na sitwasyon, mga hindi maipaliwanag na trahedya na karaniwan nang nasasangkot ngayon ang mga miyembro ng pamilya, at iba pang mga sitwasyon na ni minsan ay hindi natin naisip na nangyayari pala.
Isang kaibigan ko ang nagtanong kung bakit marami ang mga nagmamahalan sa maling sitwasyon na mga tinatawag na bawal na pag-ibig. Ang naging tugon ko dito, malalim ang kasagutan tungkol diyan na posibleng makasira sa mga itinuturo ng mga sekta o relihiyon.
Dahil papasok ito sa paniniwala o konsepto ng reinkarnasyon kung saan tayo bilang mga lumang kaluluwa o old soul ay marami na tayong pinag-daanang buhay sa mundong ito.
Nangangahulugan na ang ating buhay ngayon o lifetime ay isa lamang sa mga pagkakataon na ipinagkaloob sa atin ng Panginoong Diyos para maitama ang anumang pagkakamali sa mga nakalipas nating buhay o di man kaya ay maisaayos ang anumang di magandang epekto ng nakalipas na buhay o past life.
Ang mga taong dumadaan ngayon sa masalimuot na sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng relasyon sa ibat-ibang tao tulad ng relasyon sa ibat-ibang lalaki o babae at ang matindi nga ay ang relasyon ng kapwa lalaki o kapwa babae, ay isang patunay na tayo bilang nilalang ng Diyos ay dumaan na sa mga nakalipas na buhay sa ibang katawan at sa ibang panahon.
Ganito rin ang alam kong dahilan kung bakit nangyayari ang di dapat na maganap sa mga krimen tulad ng panggagahasa o pagpatay at anupamang krimen na ang sangkot ay ang magkakasambahay o isang pamilya.
Ang ganitong mga pangyayari sa aking personal na kaalaman at batay na rin sa mga pananaliksik na ginawa ng mga eksperto sa larangan ng reinkarnasyon, ay bahagi ng tinatawag at kilala sa pangalang Karma.
Ito ang karma ng mga nakalipas nating buhay sa mundong ito kung saan sa mga nakalipas na buhay ay natagpuan na rin natin at nakahalubilo ang mga taong nakakasama, nakakahalubilo o nakakarelasyon natin sa panahong ito na ginagalawan natin.
Ang dahilan kung bakit natin sila kailangang makita, makasama, makarelasyon ngayon ay para maitama ang anumang di magandang resulta sa nakalipas na buhay. Maaaring walang naging kapatawaran sa isat isa sa nakalipas na buhay o di man kaya ay hindi naputol ang siklo o cycle ng inyong ugnayan o karma.
Sa paniniwala tungkol sa reinkasyon, kailangan lamang na maisaayos natin lahat sa bawat buhay natin sa mundong ito ang hindi naging resulta ng ating mga desisyon sa nakalipas na buhay para makatulong ito sa pag-usad ng ating espiritwal na katauhan patungo sa pagiging pekpersiyon.
Ang isang kaluluwa ay kailangang maipanganak ng maraming beses para ito ay maganap at kailangang umiral ang isang napakamatinding desisyon para hindi na paulit ulit pa ang mga maling karanasan sa buhay.
Ang isang nakita kong dahilan kung bakit parang paulit-ulit na nangyayari sa ating buhay ang mga naganap na sa nakalipas ay dahil na rin sa umiiral na free will sa ating sarili kung saan karaniwan nang naaabuso dahil sa katigasan ng ulo.
Hindi ko hangad na sirain ang paniniwala ng karamihan lalu na sa mga nakatayo lamang sa mga turo sa Bibliya ngunit kung susuriin nating mabuti ang naturang aklat ay meron ding pinapatungkulan dito tungkol sa konsepto ng reinkarnasyon.
Pero totoo po ang Reincarnation?
Naguguluhan na po ako kasi simula nung dumating sa buhay ko yung babae na hindi ko naman pinangarap lagi ko na po syang hinahanap. Tapos simula din po noon nagbago na lahat. Bigla nalang din po akong nainteresado sa Reincarnation. And many times din po na familiar yung mga bagay na ginagawa o kinikilos ko. Saka yung babae po, sya po palagi ang nag bibigay ng advice sa akin. She look like my True Mother.