Kamatayan….Isang Panimula

Nais ko lang po bigyan ng daan dito ang isa sa naging reaksiyon sa aking lumabas na artikulo na di dapat katakutan ang mga multo, bagkus ay unawain ang kanilang sitwasyon sa kabilang buhay at tulungan sila na magising sa katotohanan at tanggapin na sila ay wala na sa pisikal na daigdig.

Hindi ko hangad na sumang-ayon kayo sa akin, ngunit sa aking sariling pananaw base sa aking karanasan maituturing na simula ng panibagong yugto ng buhay ng isang tao ang kamatayan at hindi ito katapusan.

Sa reaksiyon ni Mr. Eman Morales, ng Sta. Mesa, Manila, narito ang kanyang pahayag:

“Mr Sibayan, I just read your write ups today, I have a question for you if you believe in the Holy Bible then look for these verses: JOB 7:9; Ecclesiastes 9:5, 6; Psalm 146:4, because dead people did know anything.”

Sagot: RTS I have no intention to question what is in the Bible, in the first place I respect the book itself as a basis of our faith but we must have an open mind to accept the reality of life. I agree with your comment Mr Morales that dead people or the souls of the departed know anything…. But…..only if they realized or awakened that they are on the other side or the after life.

Surprisingly, ang inyong comment ay salungat naman sa isinasaad n Ecclesiastes 9:5, 6 (Ang Mangangaral):

“5Alam ng buhay na siya’y mamamatay ngunit ang patay ay walang anumang nalalaman. Wala na silang pag-asa, at nakakalimutan nang lubusan. 6Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagkainggit; anupat wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.”

RTS: Ang aking pananaw tungkol dito…The Soul knows everything because it is an unlimited data or memory bank of our lives not only in this lifetime but also our previous lifetimes. Ngayon ang isang namayapa na ay magiging mas malawak ang kaalaman kapag tinanggap nyang siya ay nasa kabilang buhay na at hindi mawawala ang pag-ibig , at pagkapoot, depende sa kundisyon ng kanyang kaisipan o consciousness. Ngunit kapag nagising na siya sa katotohanan na kailangan niyang umusad sa kabilang buhay ay tuluyan nang mawawala ang pagka-poot nito kung meron man noon at ito ay lalung magpapalakas sa kanyang pag-ibig at lahat ng nangyayari sa buong mundo lalu na sa kanyang pamilya ay mauunawaan nya nang walang pag-a-alinlangan.

Ang dalawang iba pang mga bersikulo na binanggit ni Morales sa Bibliya ay maituturing kong tumutukoy sa pisikal na kaanyuan ng isang tao na kapag namayapa na ay kailangang bumalik ito sa kanyang pinanggalingan – ang alabok.

Job 7:9 (Ang Aklat ni Job)
“9Kung paanong ang ulap ay napaparam, napapalis, Pag pumanaw ang tao, di na siya magbabalik”

Psalm 146:4 (Mga Awit)
“4Kung sila’y mamatay, balik sa alabok, Anumang balangkas nila’y natatapos.”

Sang-ayon naman ako dito dahil ito ay tumutukoy sa pisikal o katawang lupa ng tao, dahil kapag namayapa na ang isang tao ay bumabalik sa alabok ang katawang lupa nito at lahat sa buhay nito ay magwawakas na.”

Ang tangi ko lamang nais bigyang diin hindi maaaring ihambing sa katawang lupa ang kaluluwa ng tao. Ang katawang lupa ay namamatay samantalang ang kaluluwa o espiritu nito ay walang kamatayan.

Oo….maaaring magdusa ito sa kabilang buhay depende sa antas ng kanyang kaisipan, ngunit kapag ang lahat ay natanggap nya ng buong luwag ay biglang magbabago ang pananaw nito at mas magiging malawak ang kanyang kaalaman sa buong buhay hindi lamang sa kanya kundi sa buong sangkatauhan.

Ang mahalaga para sa mga naulila ng isang namayapang tao, kung anuman ang naging pagkakamali nito ay patawarin na natin, at bigyan natin siya ng pagmamahal. Tanggapin din natin ng buong luwag bagaman masakit ang kanyang kamatayan. At para makatulong sa pagtanggap natin ng katotohanan na lumisan na ito ay isipin natin na nandyan lamang siya sa ating tabi at kasama pa rin natin ngunit yun nga lang di natin siya nakikita.

Ilan lamang yun sa mga pamamaraan na maaari nating gawin para mas madali at mas magaan sa isang yumao na tahakin ang landas nito sa kabilang buhay. Kapag naging maayos na ang lahat ay dyan magigising sa katotohanan ang isang namayapa, na hindi lamang natatapos sa pagiging pisikal ang kanyang buhay.