Kontrobersiya sa ‘Da Vinci Code’, Pinalala ng batikos ng Simbahan

Just want to share my observation about the very controversial book ‘Da Vinci Code’ authored by Dan Brown.

Paranormal researchers assessed that the book has its own bunch of evidences that would support earlier theories about the secrets of Jesus Christ during His time on Earth.

Although it was fictionally presented by Brown, Vatican has reacted very strongly and tagged Brown as liar.

The church has also issued warnings for people not to read the book. I hope this article would help our readers make up their mind whether to read or not the book.

I would always suggest, we should have an open mind and heart about any development that affects our daily life as human beings.

Naging mas kontrobersiyal pa at mabili ngayon ang aklat na sinulat ni Dan Brown lalu na nang maglabas ng matinding pagtuligsa at pagtutol dito ang Simbahang Katoliko.

Unang sinabi ni Kardinal Tarcisio Bertome, dating deputy head ng Vatican Pontifical Council for the Doctrine of the Faith na pawang kasinungalingan ang nilalaman ng naturang aklat.

Hinimok din nito ang mamamayan sa buong mundo na wag basahin o bilhin ang naturang aklat dahil sa di-umanoy nais lamang nitong iligaw ang tunay na paniniwala at pananampalataya ng tao.

Ang kontrobersiya sa naturang aklat ay nang banggitin dito ni Brown na ang Panginoong Hesukristo ay nagkaroon ng ‘anak’ habang siya ay nabubuhay pa sa mundong ito.

Bakit matindi ang pagtutol dito ng simbahan? Masama ba kung totoong merong naging anak si Hesukristo? Ang tanong ko pa dito e, wala bang karapatan si Hesukristo na umibig din habang siya ay nandito pa sa lupa at magkaroon ng sariling pamilya?

Bagaman, ang aklat ay mariing tinutulan at binatikos ng todo ng Simbahan, makokontrol ba nila ang tao kung gusto nilang ito ay basahin? Totoo man o hindi ang mga detalye sa aklat ni Brown, dahil sa ito ay pinatulan ng Vatican at tahasang tinuligsa ng mga taong simbahan ay lalu lamang nagkaroon ng matinding interes ang mamamayan na ito ay basahin at isama sa hanay ng kanilang mga aklat na dapat na basahin habang nabubuhay sa mundong ito.

Sang-ayon ako sa pananaw ng kinikilalang paranormal expert sa Pilipinas na si Jimmy Licauco tungkol sa naturang kontrobersiya na huli na ang lahat para sa mga taga-Simbahang Katoliko na maglabas ng negatibong pahayag laban sa aklat na ‘Da Vinci Code.’

Lalu na at umabot na sa 25 milyung kopya nito ang nailathala sa ibat-ibang wika at naikalat sa buong mundo mula nang una itong nalimbag noong taong 2003.

Ang matindi pa nito, ayon pa kay Licauco, habang nanggigigil ang Simbahan sa pagtutol nito sa naturang aklat, ay lalung nagkakaroon ng mahigpit na kagustuhan ang tao na ito ay basahin at iukit sa isipan ang bawat katagang nakasaad dito.

Sang-ayon din ako sa pananaw ni Licauco na hindi na maaaring isipin pa ng mga taga-Simbahan na malakas pa rin ang kanilang impluwensiya sa mamamayan lalu na ngayon at may kalayaan na ang bawat isa sa kanilang pananampalataya.

Ang iba ay sumanib na sa ibang grupong relihiyon samantalang ang iba naman ay nanatiling Katoliko ngunit hindi na rin masyadong sang-ayon sa mga alituntunin ng Simbahan.

Hindi na rin maaaring ibalik ng Simbahan ang mga panahon na madali nilang kontrolin ang isipan ng tao sa pamamagitan ng pagkontrol din sa paglabas ng mga impormasyon. Dapat magising sa katotohanan ang buong simbahan na mas malaya na ngayon ang pamamahayag sa ibat-ibang pamamaraan lalu na at kahit na anumang paksa ay maaari nang makuha ang detalye sa internet.

Sa inyong mga tanong at suhestyon, mag-e-mail lamang sa psiphenomena@gmail.com o mag-text sa 0916-7931451. #

3 thoughts on “Kontrobersiya sa ‘Da Vinci Code’, Pinalala ng batikos ng Simbahan

  1. sa tingin ko naman ay walang masama sa aklat na ito ni Dan Brown lalo na,t ito ay naglalabas ng mga katotohanan…Para sa isang tulad kong atheist,mas nakakabuting malaman ng mga tao ang totoo…^_^

  2. paano nalaman ni Dan Brown na may anak si Jesus Christ nabuhay b? xa na kasama si Jesus hindi naman nkasulat biblia n may anak ang Panginoon ah? mga bobo kayo anti christ ulol? kayo? gaggo

Comments are closed.