Marami sa atin ang binabalewala lamang ang panaginip na sa akala natin ay isang bahagi lamang ng pangitain natin habang tayo ay natutulog. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang bawat panaginip ay merong mensahe na nais sabihin sa atin. Maaaring ito ay kasagutan sa inyong kinakaharap na problema o di man kaya ay mga suhestyun na dapat niyong gawin para sa ikabubuti ng inyong buhay.
Bagaman, may mga panaginip na nagbababala sa anumang masamang mangyayari, maituturing naman na ito ay isang mensahe na dapat bigyan ng espesyal na atensiyon lalu na kung ang epekto nito ay hindi lamang sayo kundi sa maraming tao. Maaaring ito ay panaginip ng trahedya o kalamidad na maaaring kumitil sa buhay ng marami. Ang ganitong uri ng panaginip ay tinatawag na “precognitive dream.” Ang maaaring gawin ng nakapanaginip ay ihayag sa sinuman kung ano ang kanyang nakita sa panaginip paniwalaan man nila o hindi. Kahit paano ay nakapagbigay ka ng babala para makapaghanda, dahil sa maraming pagkakataon sanhi ng meron tayong tinatawag na free will ay ayaw tayong pakinggan sa sinasabi natin.
May panaginip din na nakikipag-ugnayan sa atin ang mga namayapa nating mahal sa buhay na kung iisipin natin ay imposible dahil sa nasa kabilang buhay na nga sila at kaluluwa na. Lingid sa kaalaman ng karamihan na sa pamamagitan ng pagtulog ay maaaring makipag-ugnayan ang mga espiritu tulad ng mga kaluluwa, nature spirits (engkantada, dwende), mga anghel, mga santo, at maging ang Panginoong Diyos. Ang paliwanag dito ng mga eksperto, aktibo ang subconscious mind natin habang tulog ang pisikal nating katawan. Ito rin ang pagkakataon sa mga negatibong espiritu na sumasalakay kung kaya’t lagi kong ipinapayo lalu na sa mga sensitibong tao na magdasal bago matulog o kaya ay bigyan ng sapat na proteksiyon ng liwanag ang buong katawan at kaluluwa. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng dasal para bigyan ka ng proteksiyon, at ang iba naman ay ginagawa sa pamamagitan ng meditasyon. Isinasaisip ang pagbaba ng liwanag mula sa kalangitan at babalutin ang buong katauhan.
Ngunit ang mga pagkakataon na may nakakausap ka sa panaginip ay hindi na talaga panaginip yun dahil sa ang kamalayan mo ay nasa labas na ng iyong katawan. Ito ang tinatawag na Out of Body Experience (OOBE) o astral travel, ang isang proseso na lumalabas na sa katawan ang bahagi ng iyong kaluluwa at kamalayan. Ang anumang makikita mo sa paglabas ng iyong kamalayan sa iyong katawan ay maaaaring ma-interpret ng iyong utak paggising mo bilang panaginip ngunit sa katotohanan ay talagang naranasan yun habang tulog. Batay sa pinakahuling pag-aaral ng mga siyentista sa misteryo ng pagtulog, 3 hanggang 4 na beses na lumalabas ang ating kamalayan sa buong linggo.
Ngunit sa pangkalahatan, ang mga nakikita sa panaginip ay pawang mga simbolo na merong mensahe na dapat nating pakinggan. Bihira lamang na literal ang kahulugan ng panaginip. Bagaman malaking tulong sa atin na malaman natin ang kahulugan ng panaginip sa pamamagitan ng mga nababasa nating libro tulad ng dream dictionary at iba pa, mas mainam na komunsulta kayo sa mga nakaka-intindi sa mga simbolo ng panaginip. Sa totoo lang, kayo din mismo na nanaginip ang makakaalam ng tunay na mensahe ng inyong panaginip. Ang payo ko sa lahat, kailangan may talaan kayo kun ano ang nakita niyo sa inyong panaginip o kilala sa tawag na “dream journal” para may giya lo guide sa kung ano ang ibig sabihin ng iyong panaginip.
Nanaginip aku ng isang babaeng nka belong itim nakaupo sa paanan ko ng pinilit kong idilat ang mga mata ko my narinig akong sigaw ng babae.