Nagtakda ng dalawampung taong palugit ang mga siyentista para alamin kung totoong merong ekstra-terestriyal o buhay sa labas ng planetang Earth.
Ang mga dalubhasa sa Search for Extraterrestrial Intelligence (SETI) ay gumugol na ng apat na dekada sa pagsusuri at pananaliksik sa radio waves na nasagap nila mula sa kalawakan para mapatunayan kung totoong merong ET o alien.
Sa loob ng susunod na dalawampung taon, ay inaasahan ng mga eksperto mula sa California na matatapos nila ang pagsusuri sa radio signals na nasagap mula sa 100 bilyung star sa loob ng Milky Way galaxy.
Ipinagtanggol ni Professor Chandra Wickramasinghe ng Cardiff University, nangungunang astronomer sa Wales, ang mga kritiko ng SETI dahil sa di-umano’y kabagalang magsaliksik sa “alien life.”
Ayon kay Seth Shostak, senior astronomer ng SETI Institute sa Mountain View, California, “ang anumang palatandaan ng ‘intelligent life’ kung meron ay malalaman nila sa loob ng susunod pang dalawampung taon o dalawang dekada.”
Malakas ang paniniwala ni Shostak, na maging ang mga alien sa loob ng Milky Way galaxy sa kanilang mga sarili ay gumagawa rin ng paraan na maka-ugnayan ang tao sa pamamagitan ng pagpapadala ng radio signals.
Ginagamit din ni Shostak ang isang “formula” na nabuo noong taong 1961 kabilang na rito ang bilang ng mga star na merong mga planeta, kung ilan sa mga ito ang inaasahang merong buhay at ang posibilidad na may mga nilalang na mas moderno kesa sa tao.
Batay sa report ng New Scientist magazine, inihayag ni Shostak na merong 10-libo hanggang isang milyung mga ET sa galaxy na gusto ring maka-ugnayan ang tao sa mas lohikal na paraan. Sinabi kong mas lohikal dahil ang ganitong pananaliksik ay sa pamamagitan ng mga makabagong instrumento ng ginagamit ng mga eksperto at hindi sa pamamagitan ng telepathy o channeling na ginagamit naman ng mga taong nakakaugnayan na ngayon ng mga ET.
Ayon pa kay Shostak, kailangan gumugol ng panahon ang mga eksperto sa pagsusuri sa mga radio signal mula sa may 100 bilyung star sa loob ng Milky Way galaxy.
At ang panahon na kailangang gugulin ditto ay batay sa kakayanan ng radio telescope tulad ng isang ektaryang Allen Telescope Array ng SETI at inaasahan ding paglakas pa sa power ng mga ginagamit na microchips sa pagsagap ng radio signal sa kalawakan.
Sinalungat naman ni Paul Shuch, executive director ng SETI League, isang hiwalay na organisasyon sa New Jersey ang mga naunang prediksiyon at paliwanag ni Shostak.
Ayon kay Shuch, “makatwiran ang anumang pagtaya sa pag-unlad ng teknolohiya ng tao, subalit ang anumang prediksiyon ng panahon na magkaron ng alien contact ay ibang usapin dahil sa hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung meron na ba tayong ugnayan sa mga ET.”
Para sa inyong mga suhestyun, mga kakaibang karanasan at paranormal, mangyaring mag-text sa 09167931451.