Hudas, Dapat Pa Bang Kamuhian?
Rey T. Sibayan
April 10, 2006
Ito ang tanong sa aking isipan nang lumabas ang nakagigimbal na interpretasyon sa nawawalang “Gospel of Judas” (Kasulatan ni Hudas) na nakapaloob sa may 1,700 taong gulang na codex o sinaunang porma ng aklat na nagsasaad sa tunay na katangian ni Hudas Eskariote (Judas Iscariot).
Hindi ba’t nagising tayo sa paniniwalang si Hudas ay napakasamang disipulo nang ipagkanulo nito ang Panginoong Hesukristo, dahilan para dumanas ito ng matinding pahirap at ipinako sa Krus.
Ngunit sa natuklasang Kasulatan ni Hudas ay nagsasabing hindi nito ipinagkanulo si Hesukristo bagkus ay isa siyang matapat na alagad na sinunod lamang ang kahilingan ng Panginoon, at matupad ang misyon nito sa mundong ibabaw.
Ang 66-pahinang matandang Aklat na ito ay kinapapalooban din ng iba pang kasulatan tulad ng kay James na kilala rin bilang First Apocalypse of James, ang liham ni Pedro kay Philip (Letter of Peter to Philip), isang bahagi ng kasulatan na tinagurian ng mga skolar na Book of Allogenes at ang kontrobersiyal na kopya ng Gospel of Judas.
Ang Gospel of Judas ng nakasulat sa pormang Coptic, isang sinaunang lengguwahe ng ancient Egypt ay isinailalim sa masusing pagbusisi ng grupo ng mga siyentista at skolar para malaman kung gaano na ito katanda at kung ito nga ba ay totoo at hindi ginawa lamang.
Umani ng ibat-ibang reaksiyon sa lahat ng sektor ng lipunan hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang naturang pagbubunyag ng mga grupo ng skolar na binuo ng pinagsanib na pwersa ng National Geographic Society, Maecenas Foundation for Ancient Art at ng Waitt Institute for Historical Discovery.
Sa aking programa sa radyo sa dzRH, minabuti kong kunan ng reaksiyon tungkol dito si archbishop Oscar Cruz, itinuturing na isa sa mga otoridad ng Simbahang Katoliko. Narito ang buod ng pahayag ni Bishop Cruz tungkol sa Gospel of Judas.
“Yan po ay kasama sa mga tinatawag na apocryphal books sapagkat marami pong libro yan na mga matatanda na sinulat ng di malaman ng kung sino at kung ano ang pakay kaya hindi nila masabi kung saan galing at kung sino ang may-akda. Yan po ay hindi isinama sa bible pagkat alam ng mga nagsalansan ng ibat-ibang libro ng bibliya na yan po ay kasama sa mga tinatawag na apocryphal books. There is really nothing significant about that except for the fact that it is very old, it was written by somebody who is not known….The document is authentic but it is called apocryphal in the sense that it cannot be considered as a sacred book and inspired book dahil sa hindi malinaw kung sino ang sumulat at kung ano ang intention.Yun pong dead sea scrolls meron pong katotohanan yun bagaman po hindi yun inspired writings pero ang sinasabi po dun there are lot of historical truths there, unlike po dito sa Gospel of Judas, unang una yun pong nagbigay ng pangalan ay kung sino lang pero may mas value pa yung dead sea scrolls kesa ito.Maganda po ang istorya (Gospel of Judas) tulad din ng Da Vinci Code maganda ang istorya, maganda libangan, maganda panoorin, maganda basahin pero siyempre hindi po yan ang katotohanan. Alangan po naman na ang tao ay sabihin na sige ikaw na ang magpapatay sa akin para matapos na, si Kristo man po ay alam nya ang halaga ng buhay, sa totoo nga nagdasal nga siya sa ama sana po wag na mangyari to, if this is your will let this cup pass me by. Ayaw din po nyang maghirap pagkat tao po siyang totoo, mahirap naman pong sabihin a sige na ipapatay niyo na ako para matapos na ang lahat.”
Nang tanungin ko si Bishop kung dapat bang kamuhian si Hudas kung ang susundin ay ang paniniwalang ipinagkanulo niya si Hesukristo, sagot ni Bishop Cruz: “Christianity is a gospel of love we are not aloud to hate anybody in fact we are told to love our enemies. He just played the role that completed the redemption pagkat kung walang hudas, walang nagtaksil kay Hesus at si Hesus ay hindi nadakip at hindi siya napako at hindi siya nabuhay na mag-uli. Bagaman hindi magandang sabihin pwede natin sabihin na mabuti na lamang may Hudas pagkat kung wala pong Hudas wala pong semana santa.”
Meron ding reaction tungkol sa pagbubunyag ng Kasulatan ni Hudas ang kinikilalang Paranormal Professor Jimmy Licauco: “Maraming gospels that were scattered (ikinalat) noong araw, isa lang yan yung iba ay nakita sa Naghamady (Naghammadi) in 1945, yung Gospel of Philip, Gospel of Thomas etc, mga 30 Gospels including Gospel of Mary Magdalene ay natagpuan on papyrus writings, also in coptic language. Yung coptic, isang lengguwahe yan ng ancient egypt. Yung gospel of judas the same style, the same type of when it was written. Ito ay nakuha sa ibang bahagi (another part), another portion ngunit merong hinala na ito ay malapit sa lugar ng matagpuan ang mga Kasulatan ng Naghamady (but there is a suspicion it was near the vicinity of where the naghamady was found, hindi yan sa naghamady nakuha.”
Kumbinsido si Prof. Licauco na ginampanan lamang ni Hudas ang kanyang tungkulin: “In other words he was just doing his duty he did not betray (Jesus), he was just obedient…nasa bible naman yan, nasa canonical gospel yan, ang inaprubahan ng Simbahan (Roman Catholic). Kasi noong araw, nagkagulo ang Kristiyanismo dahil marami ang gospels of reading. They do not know which one is true which one is not…so noong the year 325 AD, si Constantine ay nagpatawag ng Council of Naiseah — dun nila binuo kung ano ang dapat paniwalaan at kung hindi…dun nla binuo yung Naisean Creed, yung I believe in GOD…dun ginawa yan, tapos dun din pinili kung ano ang tatanggalin at hindi.
Binanggit pa ni Licauco na matagal nang maraming itinatago sa Sambayanan ang Simbahan: “Ang nangyayari kasi dito ay itinatago ito ng simbahan ayaw sa ating ipaalam….ngayon ay nakikita…nalalaman ngayon na pinili lang nila yung kanilang gusto at yung ayaw nila ay itinabi, ngayon lumalabas ang katotohanan. Dati hindi natin alam yan, akala natin yun lamang 4 gospels, yun lang aprubado ang existing, that’s not true, that is a lie no, ngayon napatunayan na hindi totoo yung mga sinasabi nila ito lamang existing kaya ngayon ina-admit na nila. ruth (foundation of the christian faith is death on the cross)….kaya nga they are very adamant na what existing ay mga mali, they call it heresy, calling it false teaching…….”