Sa aking programang Misteryo noong Sabado (Oktubre 27, 2007) na napapakinggan tuwing Sabado sa dzRH tungkol sa pagpapakita ng mga tinawag nating UFO o Unidentified Flying Object, marami sa mga kababayan natin ang naghayag ng kanilang mga karanasan.
Ito ay patunay na maraming insidente ng pagpapakita ng mga UFO sa ating mga kababayan ngunit iilan lamang sa mga ito ang lumalantad at sinasabing sila man ay merong ganitong karanasan na karaniwan nang nagaganap sa ibang bansa.
Kung ano ang mga pangunahing dahilan at bakit marami ang ayaw magsabi ng kanilang karanasan ay sa pangambang baka sila ay bansagang baliw mo nananaginip lamang, o di man kaya ay namamalikmata lamang ang mga ito.
Ang matindi pa nito ay bihira lamang kundi man wala sa ating mga kababayan ang matiyagang nakikinig sa testimonya ng mga taong merong direktang karanasan sa mga nilalang na tinatawag nating Ekstra-Terestriyal (ET) na silang karaniwang sakay ng mga makabagong sasakyang pangkalawakan o UFO.
Tulad ng naging karanasan ni Tony Israel na nagsimula pa noong taong 2000 sampu ng kanyang mga pamilya at mga kapitbahay sa Las Pinas ay hindi maitatangging totoo dahil sa nakunan pa niya ito ng video na ang kopya ay ibinigay sa inyong lingkod.
Hindi lamang isa kundi maraming UFO ang kanilang nakita noong gabi ng Setyembre 3, 2000 na noong una ay animo’y mga bituin lamang sa kalawakan, yun pala ay mga sasakyang pangkalawakan ng mga kakaibang nilalang.
Sa takbo ng aming usapan ni Ka Tony ay dito na nahimok ang ilan nating kababayan para ibunyag din ang kanilang mga karanasan sa mga UFO.
Mrs. Evangelista ng Palawan: Noong grade 1 po ako, may nakita po akong maliit na animoy plane kulay gold na lumilipad sa ilalim ng mga niyugan.
Lyndon ng Dagupan City: May nakita rin ako na ilaw sa kalawakan na napakabilis pero walang ingay na nagdaan sa bubong ng bahay namin. ufo ba yon? dalawang beses ko ng nakita ito sa taong ito.
Nenita Pujalte ng Princesa City: Nakakita rin ako noong 1972 mga 10 ng gab i malaki bilog maliwanag lumapag sa tabi ng bundok mga 4 km away from my house tumigil ng mga 5 minutes ngunit walang sound at umalis one direction ang movement mailaw palit palit ang liwanag.
Tony: Taong 989 o 1990 nakita ko maraming ilaw sabay- sabay sila mga 20 palapag ang taas walang ingay di tulad ng eroplano.
Brenner: I too saw a ufo aboutt 3oclock in the afternoon in about 2001. Its about one km above our house, saucer type and its multi colored belly was rotating. It was stationary and very long.
Buat Mangambit ng Pagalungan, Maguindanao: Nakakita ako ng parang ilaw ng eroplano sa madaling araw, pero walang andar (ingay, tunog) napakababa ang lipad, ano kaya yun.