Misteryo sa Abante Tonite: Bagong Taon, Bagong Pagkatao

Isang masaganang araw mga ka-Misteryo. ‘Saktong tatlong araw na lang bagong taon na naman. Naka-ilang bagong taon na ba tayo sa ating buhay? Natural depende yan sa inyong edad at kung ano ang inyong namalayan.

Abala na naman tayo sa paghahanda, karaniwan ay todong paglilinis sa bahay, pagsasa-ayos ng mga kagamitan at paghahanda ng masasarap na pagkain para sa mas masaganang buhay sa pagpasok ng 2019.

Iba’t ibang paraan ng paghahanda tulad ng paglapit sa mga eksperto sa feng shui o geomancy, psychic readers at ang iba ay DIY na lang -mismong mga may-ari ng bahay ang gumagawa ng paraan para maaliwalas ang kabahayan sa pagpasok ng taon.

Tradisyon na sa atin ang pag-iingay sa pagsalubong sa Bagong Taon bagaman hindi naman kailangan na magpaputok tayo dahil delikado ito hindi lang sa kaligtasan ng tao lalu na sa ari-arian na sadyang mapanganib sa sunog.

Kahit anupaman ang gawin nating paghahanda kung ang ugali ng tao o mga nakatira sa mga bahay ay hindi magbabago ay balewala rin ang lahat ng pagod.

Check out more on this article:

https://tonite.abante.com.ph/bagong-taon-bagong-pagkatao.htm