A group of Psychology students of Lyceum posted this interview with Rey T. Sibayan for their thesis about the PARANORMAL (transcribed by the students themselves).
The CASUAL interview was conducted last January 2008 and posted at Japinoy.com forum on February 2008 titled Paranormal Beyond Normal.
The topic received 443 replies since the first posting in February 1, 2008.
Sa anong edad at paano niyo natuklasan na may ganyan kayong kakayanan?
Rey Sibayan: Bata pa, actually, hindi ko naman alam yun eh. I dream a lot. Meaning, I imagine. Halimbawa, kung anong gusto ko, iniimagine ko, nangyayari. Actually, lahat tayo pwede gawin yun eh. It’s a visualization. It’s one way of programming your mind na, although di pa nangyayari ngayon, but you believe and you feel na mangyayari, mangyayari yun in the future… You control the situation of your life. Meaning, ipinoprogram mo siya in your mind. In fact, while programming that in your mind, you are creating it sa ibang reality. Which is not on this reality. Kasi, if you believe there are other realities, other dimensions, the spirit world, the absolute reality, then, you are creating it sa reality na yon. Then, saka siya magmamanifest sa physical… yun lang, nung bata. Siguro mga elementary grade. Then, saka lang ako naging conscious na ganitong ginagawa ko, mga after graduation na. But I always use my mind. Meron yung time na, halimbawa, nagmamadali ka, tinignan mo yung traffic light. Ipoprogram mo yung traffic light in your mind. Kung gusto mo siya mag-stop kaagad, kahit hindi pa niya time, pwede mong gawin yun. O kaya, telepathy naman. Kausapin mo yung isang tao with your mind. Ipoprogram mo yung isang tao with your mind… Dati, hindi ko alam telepathy pala yun. Pero, nagstart talaga ako nito, 1998. And I gather these information: about paranormal, what is psychic phenomena, everything… and there’s no such thing as paranormal, everything is normal.
Sino ang mga tao o anong mga bagay ang nakaimpluwensiya na mainvolve kayo sa paranormal na bagay?
Rey Sibayan: What if I tell you, hindi sila tao? What if I tell you they are nonphysical beings? Well, sabihin na natin, if you believe in angels, maybe, kasama sila, and other unseen beings. And if you believe there is God. Kasi maraming experiences na hindi maipaliwanag, dreams, you can see ghosts, may nangyayari sa inyo na para sa inyo coincidences. But, infact, there is no such thing as coincidence. Everything is at the right timing. Meaning, kung ano yung nangyayari sa buhay mo ngayon, nakaprogram na yun. Depende sa consciuosness mo, depende sa isip mo… skeptic.
May pagkakataon po ba na dumating sa inyong buhay na gusto niyo na itigil lahat ng bagay na may kinalaman sa paranormal dahil naging sobrang delikado na?
Rey Sibayan: Ba’t naman delikado? (yung parang nananakit na? ayaw na kayong tigilan…) No. Nagiging delikado kung di mo alam ang gagawin mo. And, natatakot ka pag di mo alam kung ano yun. So, you fear of the unknown. So para mawala yung fear mo sa unknown, alamin mo yung unknown. Para maging known sayo. Ba’t ka pa matatakot? You know how to deal with them… Meron isang multong nagpakita sayo, at bigla kang tinakot. Kung hindi mo alam yun, di mo alam gagawin mo, siyempre matatakot ka. Ngayon, kung alam mo na, kung paano mo siya idideal, paano mo siya kakausapin… siguro doon sa ibang mga tao na they don’t now what to do, so, kailangan kumonsulta sila sa mga mas nakakaalam. Eto pa, based sa experience ko to eh, yunng mga multo kasi, mostly yung mga multo mga souls yan eh, diba, ng mga namatay. If you believe there is a life after death, when you body dies, your life will be eternal. Because you’re a soul, you’re a spirit. Ngayon, ang nangyari niyan kasi, kaya yung ibang nagmumulto, because di sila pinapansin. Pati mga realtives niyo, halimbawa, nagpapakita sila, meron silang gustong sabihin sayo, di mo pinapansin, di ba, ang sama ng epekto nun sayo. As a relative nung mga buhay, dahil patay ka na eh. Halimbawa, ako, patay na ko. Magpapakita ako dun sa isang anak ko, di ako pinansin, meron lang akong sasabihin, ba’t naman di mo papansinin? Malay mo yung sasabihin mo makatulong sa kanila. (Bakit may ghosts na nananakot?) May mga ghost na nananakot because gusto nila makakuha ng atensyon, or, dahil takot ka. Alam kasi nila kung takot ka eh. Para bang, nakikipaglaro lang sayo, binibiro ka, “Takot satin to, takutin nga natin.” Ganun. (Kunwari po namatay kami, may kakayanan din ba kaming manakot?) Of course, because you can. Nasa ibang dimension ka na eh. Pwede mong ichange ang mukha mo eh. (Totoo po ba pag namatay na, nawawala yung alaala ng isang tao?) Ay, hindi. Alam niyo, ang soul natin hindi nakakalimot yan. It is an unlimited data bank. Lahat ng memories mo mula sa past lives mo, if you believe in past life, and sa life mo ngayon, nakaimprint lahat yon sa memory ng ating soul, ng ating kaluluwa. (May emotions pa po ba ang soul?) Meron, kasi, kaya sila nagiging powerful, halimbawa, lalo na yung mga poltergeist, they can move objects. Kaya nila namomove yung objects because iniipon nila yung anger nila, para magkaroon ng telekinesis. (Kahit sinong multo pwede bang maging poltergeist?) kahit sinong multo, pwede. Infact, kahit nga hindi mga multo. Halimbawa, yung mga engkanto pwedeng maging poltergeist. Pero, ibang elements na yon, ibang dimension na sila. And poltergiest, pwedeng icreate ng mind natin. It doesn’t mean na ang poltergeist sa isang area, ay multo. We create the energies sa environment. Halimbawa, kung palagi
Kayong nagaaway sa isang bahay. Yung energies na yun, dumidikit yun sa walls, sa lahat, sa furnitures, sa paintings, or anywhere. Then, pag naipon yun, nagcecreate siya ng sariling energy na akala mo ghost, yun ang magiging poltergeist. Kaya nga sabi nila, iwasan ninyo na palagi kay nagaaway-away sa loob ng bahay, because you’re creating your own ghost. Kaya nagkakaroon ng bad vibes sa bahay. Di ba, may mga bahay na pag pumasok ka, ang bigat. Yun, palaging may away yun. May anger yun, matinding emotion.
Sa lahat ng experience niyo sa paranormal, ano po yung pinakadelikado para sa inyo?
Rey Sibayan: Pinakadelikado, so far… actually, sa totoo lang takot din ako dati eh. Infact, yung out-of-the-body experience, yung magdedetatch yung part of your soul sa body, then you travel. Yung moment na yun, the process of detatching your spirit from your physical body. Anu yun eh, mahirap tanggapin eh, parang namamatay. Kaya ang prinogram ko nalang sa mind ko, wag yung process na yun. Ayaw ko yun. Gusto ko, pag nagising yung consciousness ko, nasa labas na ako ng katawan ko. Ayaw ko maexperience yung nagdedetatch ako. Ang problem lang sa kabila, if you do the astral travel, or out-of-the-body, siyempre, makakaencounter ka din ng mga bad spirits eh. So you should know hot to deal with them. Prayers, makakatulong. (Bakit yung ibang multo hindi tinatablan, halimbawa, nakakita ka ng multo, tapos nagdasal ka, pero sinasabayan ka lang?) Because, ikaw mismo may problema. Kahit dasal ka ng dasal, kung yung inner being mo’y hindi ganun kalakas, useless yung prayer mo. Pero it doesn’t mean na wala kang faith sa God. May weakness ka lang inside, may kulang, walang power. But if you know how to reenergize youreself, lalo na yung inner power mo, bigkas mo pa lang ng name of Jesus Christ, talsik na yan eh. (Depende sa faith?) Faith, okay lang yung faith eh. Pero, hindi yun eh. Kasi meron tayo, yung inner pa. kasi pag may fear while praying, wala yun, mahina yun. Yung kunwari nagtatapang tapangan ka, alam ng spirits yun, nakikita nila yun. Kahit anong dasal mo, eh kung takot ka naman.
So, it means buo ang inyong paniniwala sa Bibliya?
Rey Sibayan: Well, if you try to compare the Bible and the paranormal, actually, may mga incident sa Bible na we can consider them as paranormal. Let’s say, the power of Jesus Christ. Para sa atin, kung tayo ang maghiheal ng ibang tao, sasabihin natin paranormal. But in fact, we have the power to heal other persons. Meron tayong healing power. Pag naachieve mo yung Christhood, the seventh level sa spirituality, kaya mo magheal. And you can do the sam as Jesus Christ did nung buhay pa siya. You can levitate, you can teleport, nagagawa ni Jesus Christ yan. Yung tumulay siya sa water, that’s the levitation, anti-gravity. Yung bigla siyang lumitaw from one place to another place, teleportation. Yung nandito siya nagsasalita, tapos meron pang isang Jesus Christ sa kabila, bi-location. (So it is possible?) Yes! Because we are beings of God. We are children of God. (Paano maaachieve yung Christhood?) More on spirituality yun eh. More on cleansing. The, more on communication with God. Ganun yun eh. parang, kasi pag naperfect mo, pag nacleanse mo yung sarili mo, not only the physical, also the spiritual, marireach mo yun.
Kadalasan, ano ang unang impresyon niyo sa ma katulad naming simpleng tao lang sa inyong mga paranormal practitioner?
Rey Sibayan: Lahat naman tayo simple. I think, it is better to live as simple as you can… ang gusto ko sabihin sa inyo, lahat tayo psychic. In the first place, we have the souls. We call the souls as psyche. Yung gut feeling, yung kutob, normal ability yan. Yung halimbawa, may naisip ka na friend mo, “Kamusta na kaya si ganito? Tagal ko na di nakakausap.” Maya-maya biglang nag-ring yung telephone mo, yun pala yung iniisip mo. That’s telepathy. Walang limit ang mind. Yun ang isipin ninyo. Kahit gaano kalayo yan, kahit gaano karaming harang yan, tatagos-tagos lang yan. Yan ang mind. Yung biglang tingin mo sa isang tao, halimbawa tinignan mo yung isang babae, meron kang impresyon sa kanya. That’s a normal ability.
Marami pa ring mga tao ang hindi bukas ang kanilang isipan sa paranormal na bagay, at kadalasang hinuhusgahan ang mga tulad ninyo. Ano ang nais niyong sabihin ukol dito?
Rey Sibayan: Ah, okay lang. marami na saki nagsabi na, Baliw ako! Weird ako, “Crazy ka!”, “You’re out of your mind.” Pero okay lang. (Sa tingin niyo, curse yan o gift sa inyo?) No. we should consider it as a gift. Kasi kung ang paniniwala mo ay curse yan, parang cinurse mo na din ang God. Eh sa knya galing yan eh. we were created in God’s image. So, yung power of God, maybe, part of that power, eh makuha mo. But in fact, kung maachieve mo nga yung Christhood, or yung Buddhist level, you can consider yourself as God, yourself. You’re creating it. Matinding Debate yan. Baka sabihin mo, “Si Rey Sibayan, God pala ang pagkakaintindi niya sa sarili niya, noh?”
So, hindi niyo tinitignan ang sarili niyo na iba?
Rey Sibayan: No. Mahirap lang mag-adjust. Lalo na pag very close ang isip ng tao. So, ginagawa namin, we just suggest. Then, we share. Kung ayaw ng tao, di namin pinipilit. Halimbawa, kayo, kung naniniwala kayo o hindi sa sinasabi ko, walang pilitan. Di ko iniimpose yun sa inyo.
PARANORMAL SECTION
Ano po ba ang mga bagay na saklaw ng Paranormal?
Rey Sibayan: Actually, paranormal, usually ginagamit yan sa Parapsychology. Yung ginagawang study, the science of the unknown, the anomalous phenomena, psychic phenomena, tulad ng psychic ability, ghost, UFO, extra terrestrials, etc., yung chupacabra (sigbin), yun daw ang pumapatay sa mga hayop sa Visayas ngayon, yung mga creatures na unusual, like aswang, the mananananggal…so yun ang scope ng paranormal. It’s beyond the normal, yung normal life natin na akala natin normal sa isip natin.
Totoo po ba yung Reincarnation?
Rey Sibayan: Do you believe we have past lives? Kung di kayo naniniwala, sasabihin ko lang na… may place kayong first time niyong pinuntahan, then, parang napakafamiliar sa inyo, yung daan, alam na alam niyo. So, it’s Dejavu, you’re recalling the memory of your, maybe, past life. Actually, dalawang klase yung Dejavu eh. Pwede yung Dejavu na kaya narecall mo siya because binigyan ka ng advance information na pupuntahan mo yung lugar na yon. Parang vision lang in your mind. Flashes lang sa mind yun eh. ngayon, pag napuntahan mo na yung lugar, “Oh! Alam ko to ah!”, “Yung sasabihin mo, alam ko yan. Eto sasabihin mo.” Pero reincarnation, personally, kaya merong reincarnation, it is the process of our evolution. Yung spiritual aspect natin. Parang icocorrect natin yung mga mistakes natin sa nakalipas na buhay, sa lifetime na to. Ngayon, kung di pa natin natapos yung business natin, halimbawa, namatay na, so magkakaroon ka pa din ng chance to be reincarnated. (Bale, natatapos rin ‘yon?) ang isang kaluluwa pwedeng mareincarnate ng hundred times, hanggat may chance. (Sa tao rin po ba siya narereincarnate?) Depende sa’yo, depende rin sa God. (Not by choice?) Depende sa nacreate mong karma. Kasi you have to meet them, kung sino yung mga nameet mo sa past lives mo. Mamimeet mo ulit sa life na to. To finish the the business, yung karma with them. Kasi may cycle yan eh, may karmic cycle eh. so, habang may cycle na yun, kailangan mapuputol mo yung cycle na yun. Kasi ang ultimate purpose talaga ng reincarnation is to be a perfect soul. And kapag naging perfect soul ka na, you will be going back to God. (Yung parang paniniwalang Buddhist?) Yah! Ganun ang paniniwala nila, the Buddhist, the Hindus. Sa Christianity, hindi yuin ang tinuturo. Pero nasurprise kami, one time, would you imagine na yung isang pari doon (CBCP) nagbabasa ng book of Reincarnation? “Father, bakit niyo binabasa yan? Akala namin di niyo tinuturo yan.” “Hindi namin tinuturo, pero ako naniniwala dito.” Kung sino yung paring yon di ko nalang sasabihin. Ako naman, personally, I am not against any religion. In fact, Catholic din ako eh. But maybe, I could consider myself as open Catholic. I respect other religions. I also respect Satanism. Because they have their own belief. (Totoo bang meron silang Bible?) Yah! There is. Merong ilang verses akong nabasa , wala namang masama, hindi naman sinabing sambahin mo si Satanas or what. Ang ano lang dun, is you believe yourself as God. You create everything. You have the power. Yun, medyo masama lang ang dating, pero parang ganun din eh. if you believe you have the power so you can create your own life.
Totoo po ba yung mga taong binenta nila yung souls nila kay Satan?
Rey Sibayan: Meron akong kilalang tao, talagang magaling yun. Clairvoyant siya. Then, nakakalabas siya ng katawan. Gusto niyang gumawa ng black magic. Kasi, when you do the black magic, you are dealing with the forces of darkness. Sa mga, sabihin nating masasama. One time, sabi niya, lumabas siya ng katawan niya. Nag-out-of-body experience siya, nag-astral travel siya. So astral body nalang yung nasa labas. Would you believe, maupo lang siya sa isang tabi, matutulog, lalabas na siya ng katawan niya. Magbababye pa siya dun sa kanyang body, diba, astig. Ngayon, nakipagdeal siya, na para sa kanya ay si Satan daw, and kailangan niya ng power para gawin yung black magic. Kasi, when you do the black magic, ang purpose nun is to harm. Yun ang witchcraft. Well, it’s a form of witchcraft na you harm people. Kapag black magic ang pinili mo, to harm people, you are dealing with the forces of darkness. Pag white magic, you are dealing with the angels and forces of the light. Ngayon, sabi niya, nasa kabilang dimension na sila, nagusap sila nung dimonyo. “Ito ang conditions ko, a part of my power kukunin mo, pero not my soul. Pero ito ang gusto ko, tulungan niyo ko, bigyan niyo ko ng power.” Nangyari yun. Sinira lang naman niya ang isang kotse. Would you imagine na ito yung table, wood siya eh, yung car nakapark somewhere sa car par. Then, okay na eh, nakipagdeal na siya eh. ginawa niya, yung kuko (sa thumb) lang niyakiniskis niya ng ganun. Inimagine niya na yung table na yun ang kotse. Pagscratch niya ng ganon, nagmanifest yun sa kotse. Sirang-sira, ang lalim pa nung nagasgas. Pero after that nanghina siya, siyempre nanghina siya because yun ang deal niya with the dark person. Okay lang. nakarecover pa rin naman siya. (Ano po yung mga hinihingi nila?) Ang the worst kasi na hihingin nila is your soul. Pero kung magaling at medyo tuso ka rin, kaya mo rin silang utakan. Pero sabi nung friend ko na yun, “Alam mo sir, it’s better to deal with the demons than a person.” Kasi dun sa mga demonyo raw, when you’re dealing with them, hanggang doon lang sa agreement na yun. Pero ang tao lumalagp[as sa agreement, di mas demonyo ang tao. May punto siya dun. So it’s better, wag kayo magpapractice ng witchcraft. And don’t curse a person. Kasi, when you curse a person, you are doing the withcraft. Black magic na yun. Halimbawa, galit na galit ka, you curse a person, nagcreate ka ng sarili mong energy, unconsciously, yung energy na yun, nung pagsabi mong ganun ang mangyari sa kaniya, naginvoke ka ng dark forces to execute kung anong sinabi mo. Unconsciously, di mo alam yun eh. and yung ginawa mo, babalik din sayo yun, kasi may karma yan eh. Multiple false yan eh, maraming beses. Kaya ako, I don’t advice people to do witchcraft. (Pag kabutihan po, meron ding balik sa inyo?) Oo, blessing. Tumulong ka, nagheal ka, may blessing ka rin, good karma yun. Sabi nga, it is the Law of Cause and Effect. Kung anong ginawa mo, may babalik sayo, automatic yun. When God created the universe, according to what I believe, nilatag niya yung the Law of Karma. Kung anong ginawa mo, babalik sayo.
Totoo po ba yung sinasaniban ng Sto. Niño?
Rey Sibayan: Depende, kung anong purpose ng ginawa nila. Kung ang purpose non is to harm, we consider it as a black magic. Pero kung ang purpose is to heal, medyo decieving nga lang kasi nagpapakilalang si Sto. Niño or si Mama Mary. Marami kasing deceptions yan eh. (Depende po ba talaga sa faith niyo yon? Kunwari, sabihin natin, itong isa false prophet lang. tapos gagamutin ka niya, pero faith mo lang, gagaling ka.) Ang nangyari kasi, mamanipulate, halimbawa, kinondition nung espirito na yun na bumaba sa isang medium yung mind mo na siya ay isang higher spirit. Kahit na low spirit siya, pero kung ang purpose naman ay to help, walang problema.kaya lang, ang problema lang dun ay nagkunwari lang siya. May deception lang dun. Ang napakasafe na gagawin mo is to thank God, not that person. Kasi yung faith na yun galing sa taas eh. maaaring ginawa lang siyang tool. Pero maganda rin naman ang purpose, to help people… Halimbawa, meron isang medium, ang sasanib sa kanya ay isang duwende, paano maaactivate mo dun, duwende lang pala yung sumanib eh. Pano kung yung faith mo sa God lang, hindi dun sa duwende. So yung iba magpapakilalang si Sto. Niño siya, pero duwende lang siya… Naaactive yung mind mo, your connection sa God. Yung purpose non, although decieveing siya, maganda yung purpose… pwede mo iconclude na masama kung ang resulta ng ginawa ay masama. Halimbawa, sabi nila, “Demonyo yan! Nagkukunwari lang yan!” eh pano kung ang ginawa ng sinasabi mong demonyo ay kabutihan. Edi ang credit non sa God, hindi dun sa demonyo. Pero kung ang resulta ng ginawa mo ay pumatay, nagcreate ka ng chaos, away, ang credit non sa demonyo.
Paano po yung nagkakagustong elemento sa tao?
Rey Sibayan: Ang mga engkanto, mga elementals, they are very close to our reality. Kumbaga, this is our dimension, kabilang pintuan lang sila. Pag binuksan nila yung pintuang yon, pasok na agad sila sa reality natin. Infact, kasalamuha lagi natin sila eh… kasi sila, they believe na parang tao rin sila. May emotions sila eh. Infact, yung sa elemental kingdom, the elementals are the duwende, the fairies, the kapre, the tikbalang, the earth elements. The sirena, they are water elements. Yung mga santelmo, they are fire elements. Meron ding air elements.
UFOs?
Rey Sibayan: actually, yung mga extra terrestrials, they belong to the fifth dimension na eh. (Totoo rin sila?) Of course, they exist. Ito lang tanong ko sa inyo, this is the unverse, diba, ang universe natin nageexpand? So anong purpose ng God created all these planets, millions of galaxies, kung tayo lang ang nakatira sa isang planet? Diba, it’s a waste of energy, a waste of time, a waste of effort na icreate mo yan ng wala namang nakatira. Diba isang katangahan sa Diyos yun… (So hindi tayo nagiisa?) Oo naman. In fact, tayo nga ang aliens sa kanila eh. because we are only the physical beings. Sila, they are half physical and half spiritual. They can be physical, they can be spiritual. They slide from another dimension to another dimension. Kaya biglang lumilitaw, because they have the ability to shift sa physical dimension. Meron silang cloaking and uncloaking technology. Mas mabilis kasi sila magtravel sa kabilang dimension eh, hindi sa physical universe. Sa space, kaya sila nagtatravel nun, mas mabilis sila magtravel sa space because nagshishift sila sa ibang dimension eh. yun ang sinasabi natin na more on hyper drive. Kasi sa hyper drive, kung nakakapanuod kayo ng sci-fi movies na pag biglang pinindot yung hyper drive, lilitaw sa kabila. In fact, papunta na tayo dun eh, sa technology na yun. Meron nang nadevelop na bagong jet plane. They call it hypersonic jet. Scram jet ang tawag eh. it could travel 10,000 miles per hour pero marami pang development ang gagawin dun. Papunta na tayo dun eh, kasi ang human beings kailangan na lumipat ng plaets to survive. Ang sun kasi malapit na magexpire. It could turn into a red star, magbobloat siya, lalaki siya, then, magkakaroon ng explosion, boom! Then all the planets, the inner planets sa paligid niya, masasuck niya yun at maaaring magsabugan iyon, including the earth. So outer planets lang ang matitira. Yun ang theory ng gma scientists, sabi nga nila, a billion years from now. (Okay lang, patay na tayo nun!) What if mareincarnate kayo ulit?
Sa spirits, ghost at souls, may pagkakaiba po ba sila?
Rey Sibayan: Ang ghosts, dito tayo nagkakamali eh. We consider ghosts yung angels natin. Halimbawa, nagpakita yung isang entity, “White Lady!” yung pala angel mo yun. (Eh pano pag black?) Iba na yun, nasa forces of darkness na yun eh. kaya ako, I always advice people not to deal with dark shadows eh. Bigla nalang nagaappear sayo na dark shadow siya, ingat ka don. (Pano niyo po malalaman sa isang tingin lang kung masama o mabuti?) your feelings, trust your feeling. (Hindi po ba depende, sabi nila pag may paa, mabuti, pag wala, masama?) Ay hindi. Parang is a sort of pag nakakita ka ng may sungay masama. May mga sungay, mabuti eh. Based sa personal account ko, nakaencounter na ako ng entities na may sungay, but they are good. And nung matanong ko kung bakit may sungay, because ganun talaga ang kanilang specie. Infact, they are extra terrestrials, another specie. Merong specie naman na mapulang mapula ang mata, napakadark niya. Dalawang klase yun eh, dapat marunong kang makaramdam kung okay sila o hindi… Ang kapre, if you can see a kapre, matatakot ka. Mapula kasi mata nun eh. Malaka na buhaghag ang buhok. Alam niyo yung sa Harry Potter, yung si Hagrid, yun, parang ganon na ganon. Ang totoong kapre lang talaga mabalahibo. Ako, I have a friend na kapre. He’s a good kapre. Nakilala ko siya sa Banahaw. All the elementals sa Banahaw, highly spiritual, kahit kapre yan, kahit tikbalang yan, kahit duwende yan. I also have friends na duwende. Tatlo sila, magkakapatid. Pag ganun, highly spiritual sila, nagevolve na sila. Hindi sila harmful. (Paano niyo sila nakakausap?) Telepathy. Mind. Pwede mo sila kausapin sa bibig mo, but yung response nila, sa mind. Although minsan, pag very audible ka, may psychic ability ka to listen, maririnig mo yung voice nila. There are clairvoyant people na nakakakita sila at the same time naririnig. Depende yun sa psychic ability mo. Pero sakin, telepathy. Minsan nakikita ko yung words, bigla nalang papasok. Yung parang nagtanong ka, tapos di pa tapos yung tanong mo, bigla nalang may papasok na answer… kung ano yung pagkakaiba nila, ang elemental, very close to our reality. Akala nila tao sila eh. Yung iba nakikipagrelasyon sa tao eh, dahil gusto nila tao. Yung mga… (Incubus?Succubus?) Well, pwede sila iconsider as incubus. Sabi naman sa christian belief, yung mga incubus, mga demonyo. They rape people. Madaming case na ganyan. Yung iba nga hinahablot yung soul mo, hindi ka na makakabalik. (Yung kamatayan po?) Kamatayan, wala yun, creation lang ng mind yun. (Totoo po ba yung tagasundo?) Ah oo, yes. The advance party. Halimbawa, you’re dying. Actually, sila magwewelcome para di ka matakot. If your time na, makikita mo naman actually sila eh, nakangiti pa nga yan eh… Ang ghost talaga, syempre mga multo yan eh. kaluluwa ng tao yan eh. minsan napapagkamalan nating ghosts ang mga angels. Actually, hindi minsan, kadalasan. Kaya ang angels di sila nagpapakita eh, napapagkamalan silang kaluluwa or multo. In fact, may mga angels na gusto magpakita, they are light beings, napakabright nila. Bigla nalang silang lilitaw kung kinakailangan. If yout try to listen to them, halimbawa, papalabas ka palang ng bahay, tapos ang bigat bigat ng pakiramdam mo, wag ka nang tumuloy. Iba naman, pag tutuloy ka pa, bigla kang hahatakin, yung iba naman talagang physically hahatakin ka. Halimbawa kung patawid ka na, meron akong mga nakilalang ganon eh, patawid palang biglang parang may humatak sa kanila, yun pala may dadaan. (May ganon rin po ako eh, naglalakad po ako sa parang tulay, tapos yung end po niya creek na. naglalakad ako, bata pa po ko nun, nauna po kasi ako sa lola ko, naglalakad po ko, nakatingin lang ako sa taas. Sabay, parang may kumalabit sakin, tapos napastop ako, pagkatingin ko po, isang step nalang laglag na.) Yes, yun ang angel. Pagkapanganak ng isang tao, meron nang one angel na nakadestined sa kanya, na nakatoka sa kanya. Kasa-kasama niya yun from birth to death. Yun ang mission niya. But, in fact, habang lumalaki ka, and you acknowledge their presence, nagkakaroon ng parang friendship, kapag naestablish mo yung friendship na yun.yung iba naman, kapag di na pinapansin, okay lang, nasa tabi lang. Kung kinakailangan dumating siya, darating. Aside from angels, we have the spirit guides. These spirit guides are those people na maaaring nameet mo sa past lives mo, na nagkaroon kayo ng agreement na babantayan ka sa lifetime na to. They could be your spirit masters now, pero dati naging teacher mo sila. Na nagkaroom kayo ng agreement na, “Sir, bantayan bantayan niyo naman ako sa lifetime na ‘to.” They are highly evolved beings. (Anong form nila? Tao rin sila?) They could form as a human form. They could also form as a bird, or kung anong para sayo okay yung dating. Minsan, magpapakita sayo yun as bird, magpapakita sayo as other form, na okay yung dating sayo. Ngayon, meron kayong psychic connection na, nagusap kayo, marerealize mo na siya pala’y spirit. And one way of communicating with them, with your guides, through meditation. Iba naman, through dreams. Kaya hindi lahat ng nagpapakita sa atin ay multo. Dapat malaman niyo kung ano yun, kung sino yun. Malay niyo, nagpakita sa inyo si God, kinatakutan mo, pero si God pala yon. But in fact, God has no human form, light siya, a great light… ako, personally, ito paniniwala ko. God is different from Jesus Christ. Iba ang turo sa simbahan, you consider Jesus Christ as God. But Jesus Christ is separate from the source. Kasi sa Christian belief eh, we samba Jesus Christ eh, diba, we praise Jesus Christ as God eh. Okay lang naman sa God yun eh. Kasi through Jesus Christ, connected ka sa God. Kaya totoo rin yung, “I am the way, the truth, and the life.” Kasi sa ibang religion, they consider Jesus Christ as prophet. Parang kalevel siya ni Buddha, ni Mohammed.
Pano pag ginawang bestfriend yung rosary?
Rey Sibayan: Rosary, bestfriend, okay lang yun. Kasi yung rosary naman is a tool ng faith mo yun eh. kaya lang, para sakin naman, pano pag nawal yung rosary sayo? So, nasan yung faith mo? Kasi nakadepend ka na dun sa tool na yun eh. So, meaning, kahit wala yung tool na yun, you still have that faith.
Sa mga kabataan ngayong nahihiligan maglaro ng spirit of the glass…
Rey Sibayan: Ako, I would no reccomend doing such thing because you are creating your own problem. Ewan ko nga ba kung bakit nauso yung mga ganyan eh, ginawang laro. Di dapat gawing laro. Pwedeng gawin yun ng mga expert. Kasi you’re dealing with the other dimensions eh. When you do that, bigla kang nagtawag ng spirit, hindi mo sure kung yun yung spirit na tinawag mo. Kasi may mga dark entities na nandiyan lang sa paligid. “Hoy, nagtatawag siya, sino satin okay?” ganon. Biglang darating yun, “Ako si ganito, ano maipaglilingkod ko?” ganon. (So, parang pinagtitripan lang nila?) Oo. Ngayon, nadisturb mo na siya, after the session, di mo na siya kayang ibalik, dun na siya mangugulo and it can lead to possession. Yun ang risk ng spirit of the glass, spirit of the coin, the oiuja board, spirit of the ballpen. Kahit na anong spirit yan, meron nga spirit of the ipod. Nagawan ko ng article yun eh. Halimbawa, ilalapag mo yung ipod dyan, mga apat kayo, igaganun niyo lang, umiikot ikot yung ano… (Tapos kanta?) Oo, grabe yun. Kaya wag niyong gagawin yun. No way. Ako, ayaw ko rin gawin yun, although meron akong kakayanan, meron akong process. Hayaan mo nalang kung sinong spirit o soul ang lalapit sayo, hihingi sayo ng tulong. Wag ka magtatawag… Kasi bigla nalang lilitaw sayo yun, “Kailangan ko ng tulong mo.” Kasi alam nila na pag yung isang tao sensitive sa kanila. Alam nila na kung ang isang tao nakakarinig sa kanila. Alam nila kung ang isang tao nakakakita sa kanila. Alam nila kung nakakaramdam ka. Kaya lalapit sila sayo kung hihingi sila ng tulong. Yung iba nga pag magpapakita eh, “Ampanget mo naman eh! Pakita ka sakin na maganda ka, para tulungan kita.” Bigla magbabago itsura nila, “O, maganda na ko.” Yung iba kasi makikita mo may dugo rito, minsan tapyas dito, minsan may saksak pa rito. Kung clairvoyant ka, “Pwede ba palitan mo muna sarili mo, itsura mo.” Kaya nilang gawin yun. Nasa isip lang nila yun, halimbawa, “Magisip ka, anong gusto mong pinakamagandang itsura mo.” Ituro mo sa kanila, gagawin niya yun. Pero, dapat marealize nila na patay na sila. Kaya yung iba, kaya nagpapakita na ampanget nila, because hindi pa nila marealize na nasa kabilang dimension na sila eh. ganun yun. Kaya sabi natin, mga ligaw na kaluluwa.
Totoo po ba yung kandila, na way to communicate?
Rey Sibayan: Ang kandila, actually, parang food ng mga spirits yan eh. Food nila yun, actually, the smoke, yung amoy nun, food nila yun. In fact, yung inaatang nating pagkain, di naman talaga physically kinakain nila yun eh. Inaamoy lang nila yun. Kinoconsume lang nila yung energy. Yung insence, yun din. Kapag good spirit, ikoconsume nila yun. Diba, parang tayo, kapag bagong luto yung pagkain, pag inamoy natin yun, “Hmm sarap.” Mamaya bigla ka nalang magbuburp. Ganun sila, energy ang kinukuha. But, may mga kaso na rin, tulad halimbawa, isang cake, mauubos yan. Meron nga kami dating cake dito eh, nagtawag ako ng mga elementals dyan sa kabila, kasi dyan may bakanteng lote (Ang DZRH yung sa may CCP katabi ng Star City, may katabing bakanteng lote), may mga elementals dyan eh, mga duwende, ba, nakita namin, habang kumakain kami, yung cake, biglang, may tumusok ng ganun, kinayod. Talagang kinayod, “Woo, pare, kita mo yun?” “Oo nga nuh, kinakayod.” Syempre pagkayod na ganun, kakainin na. pero maliliit kasi yung kamay naman ng mga duwende maliliit lang eh. Yung iba, tumatalon pa yan sa pagkain. Kaya kung may mga duwende sa inyong lugar, alam niyo kung anong pinakapaborito nilang pagkain, sweets, chocolates, gustong gusto rin nila yung dark water, para sa kanila itim na tubig, coca cola! Pepsi, pop cola, yung mga cola, yan, gusto nila yan, nagtatampisaw pa yan. Kaya pag may nararamdaman kayo na maliliit sa inyong mga lugar, halimbawa, biglang nangangalabit dito sa paa niyo, para silang mga insekto eh, yung parang daga, halimbawa, parang may bumundol sayo, wala ka naman nakita, sila na yun. Mga duwende yun. (Eh yung mabibigat na yapak, ano naman yun?) mga elemental na yun, maaaring kapre, may mga puno ba sa inyo? (wala po, pag magisa laging may naglalakad na ganun.) Ah, ano yan, baka kaluluwa yan, house spirits. (Yung mga duwende po a pwede sila maging mga physical forms?) Yes. Infact, kapag nararamdaman mo sila, ako ah, personally, pag kakalabitin, talagang damdam ko yung kamay. Kapag di ko pinapansin, kasi may mga wand yan eh, parang sa Harry Potter, may wand, magic wand, kasi yun yung tool of power nila eh, isasaksak nila dito sa kamay ko. Parang karayum, nagpapapansin. Para lang tao na, playful, yun ang duwende. Mali rin yung mga paniniwala na may itim na duwende sa punso. Well, we consider them as itim, because they harm people. Yung mga puti, di sila naghaharm eh. Ito namang mga itim, kaya sila naghaharm, kasi naharm sila eh. nasaktan din, parang gumaganti lang. (Yun po ba pag iihi ka, tabi tabi po?) Oo, yun, kapag napaliguan mo yun jingle mo sigurado paliliguan ka rin. O kaya yung ethics mo papamagain. Akala kasi nila nakikita mo sila eh… Alam niyo ba yung mga duwende, yung mga nuno, they also multiply. Nagrereproduce din sila, nanganganak din, nagaasawa, nagaaral, may palengke rin, meron din silang simbahan, infact, meron din silang mall. Oo, sa kingdon nila, meron din silang mall. Alam niyo ba, nakakatuwa non, isang friend ko naduwende na pangalan niya si Red, red kasi yung damit eh, kasi yung wife ko, clairvoyant lang, ako naman, naaaninag ko lang, minsan sa isip ko lang nakikita, and minsan naririnig ko rin, and nararamdaman ko, nakipagcommunicate kami, “Gustong gusto niyo ba maging tao?” “Oo nga eh, kasi gusto namin magkaroon ng television, gusto namin palagi nagmomall,” mga sosyal. Kung anong ginagawa ng tao, gusto nilang ganon, in fact, gusto nila maging tao. Sa kingdom nila, meron silang sariling… (artista?) Oo, they entertain themselves, meron. May pamilya nga eh, nanganganak eh. Namamatay din, nagkakasakit din, parang tao… Alam mo naman ang God, nung nagcreate ang God, bago icreate ng God ang physical universe, He created the unseen universe, the nonphysical. The other dimensions. Bago yung physical. Kaya tignan niyo sa Bible, diba, “And now we create humans.” ‘We?’ Bakit Niya sinabing ‘we’ kung siya lang ang nagcecreate? Tignan niyo sa Bible yun. “Lalangin natin ang tao.” ‘natin’, the word ‘natin’ eh sino yung kasama niya? Maaaring yung mga angels, maaaring yung mga higher beings. Eto ah, i don’t know kung masisira ko ang inyong paniniwala, but this is my own personal belief, I don’t impose this one, but, I believe human beings were created by the extra terrestrials, and the souls were created by God. Infact, ang human beings, iba ibang designs yan eh. yung mga early designs, like the cromagnon, yung mga earlier, yung sa mga stone age, iba yung design ng human being noon. Sabi nga nagkaroon ng evolution ng tao, from, sabi nga nila, monkey to ano, in fact, magkaiba yung monkey sa talagang tao eh. Ang nagdesign non, this higher beings, these highly advanced beings. Pero yung talagang crineate ng God is yung souls ng tao, the spirits. When God created the universe, he created billions of souls. Infact, meron pa ring mga souls dyan na hindi pa rion narereincarnate eh. Not a single lifetime, di pa rin nakakapasok sa katawan ng tao, nagaabang palang. Although, yung iba, narerecycle na eh, nagrereincarnate na eh. yun ang intindi ko, bahala kayo. That’s my own theory. Based on what I’ve gathered from the extra terrestrials. (Pero bago po yun, ano ang pinaniniwalaan niyo kung saan nagmula ang tao?) Sa alabok (laughs) In what sense? Physical or nonphysical? (Physical) sakin lang ah, sa sarili ko kung san nangganling ang tao, sa kanila, those people we call them aliens. In fact, sa totoo lang, ang nagpakilala satin ng animal domestication ay extra terrestrials, agriculture, technology, genetic engineering, the stealth technology, sa kanila galing yun. They have contacts sa human beings. (Kaya sila nagaabduct ng tao?) There are species na nagaabduct, but there are species that they invite. Dito sa Piliinas, mostly, nagiinvite. Sa US, abduction. They abduct, physically, actually. Dito naman, ang difference, dito they invite tao habang tulog. Humihiwalay yung spiritual body mo, yun ang iinvite nila. Ako, ilang beses na rin akong nainvite. (Pumayag po kayo?) Oo naman, because they are friends. They are good beings. Kung ayaw mo, irerespect ka naman nila eh. Yung unang invitation sakin, pinasakay pa nga ako sa their spaceship. Wala lang, papasyal pa lang. (Ano pong itsura nila?) Marami, maraming itsura eh. Pero the typical itsura is, malalaki yung ulo na almond shape ang eyes. We call them humanoids. Kasi marami yan eh. Merong humanoids, merong reptilians, merong insectoids, merong animalians, dami noh, mga specie yan, iba’t ibang specie. Di ko matapos tapos yung book ko about these beings eh. Ngayon, iba’t ibang civilizations din sila. Yung iba galing ng sirius (di ko lam spell pero sounds like this), yung iba galing sa ibang star systems. Yung Rosswell Crash, sa Mexico, 1947, the fourth of July, sa New Mexico. Mula nun, nagkaroon na ng communication ang US Government sa mga aliens. Ang condition lang ng mga extra terrestrials non, “Give us a space, or a place” in exchange sa technology. (So yung crop formation, totoo yun?) totoo yun. Kasi yung crop circles, kaya naman nagkaroon ng crop circles, because nagbibigay lang sila ng messages dun. They create the messages through crop circles. (So US top secret pala yun?) Infact, all the powerful nations sa earth may mga contact yan sa kabila, hindi lang nila sinasabi. Infact, ang unang unang nakapagdevelop ng flying saucer technology is Germans. Mas nauna pa yan sa US Government. Ngayon ang US Government meron nang flying saucer yan, di lang sinasabi sa tao. Ang pinapakita lang sa tao the stealth technology, mga spy planes, yan lang, pero, habang umuusad ang panahon, maprepressure din sila sabihin sa tao na meron kaming ganitong technology. Kasi ang tao kailangang magtravel sa space. Whether we like it or don’t.
Totoo po ba pag yung sinasabing nakita ng isang tao yung isang tao na walang ulo yung isang tao, mamamatay siya?
Rey Sibayan: Marami na akong naencounter na ganung case. Kaya hindi ko pinagwawalang bahala yun. Ako mismo, nakakita na ng ganun. (Ano po gagawin niyo para makontra yung ganun?) Sabihin mo dun sa tao magingat siya. Atleast tapikin mo siya, “Pre, kung may pupuntahan kayo, wag ka nang tumuloy,” “Bakit?” “Basta, kung gusto mo pang mabuhay.” (laughs) edi, matatakot na yun. Ganun lang. Kasi marami na kong naencounter na case na ganun eh, namatay. Kung hindi namatay, nadidisgrasya… Ito, something spiritual ito ah, if you want to protect a person, try to imagine, or try to ask a light from heaven. Halimbawa, this is the person, if you ask a light from heaven, magpray ka, “God, send a protctive light to this person.” So, while saying it, nagiimagine ka ng bumababang light from heaven, then, ishishield mo siya, babalutin mo siya ng light. It’s a white luminous light. Akala mo di totoo yun, pero totoo yun sa kabilang dimension. Kasi tayo, meron tayo ganung power, to envoke the light.
Meron pong paniniwala, nabasa ko lang po sa isang libro, na kapag may tumutunog po siya na kakaibang sound, tuuuut, sobrang tinis daw po, meron po silang isang relihiyon sa ibang bansa na kailangan nila magmeditate, ibig sabihin, kakausapin po sila ng God. Totoo po ba yung mga ganun?
Rey Sibayan: Ako, palaging nakakarinig nun. The high pitch sound, sa one ear. Pero kung magpapaliwanag ang mga doktor, sabihin niya may problema yun, tenga. Pero, kung alam mo naman na wla kang problema physically, so, something… Ako, reminder sakin yun eh, I communicate with them… Infact, yung mga yan, kaya nagkakaroon niyan, maaaring pwede kong iconnect yan sa mga ETs. Kasi yung high pitch sound, kapag nag take-off at naglanding yung kanilang mga ships, high pitch yung frequency niyan eh. Kaya pag may narinig ka na ganun nearby, may bumaba yan. Hindi nakikita yun. Sa kabilang dimension yun eh. ngayon, kung makarecieve ka after that sound, ng telepathic message na magpray ka or what, do it. Kasi there’s something to happen kasi eh.
Yung mga dopplegangers po, totoo sila?
Rey Sibayan: Yung mga nagdodoppleganger pwedeng mga kaluluwa, mga multo, pwede rin yung mga elementals, mga engkantos. Pwede namang, you created it. You bilocated yourself. Halimbawa, nandito ka sa office, tapos inaantok ka, nakaidlip ka, eh yung program ng mind mo nasa bahay ka, unconsciously, nakapaglabas ka ng part of your soul, parang nagteleport siya, biglang nagappear dun yung physical form. Mamaya sabihin sayo nung kasambahay mo, “Akala ko ba dumating ka na rito, ba’t nakita na kita kanina rito ah.” “Kayo naman, nandito pa ko sa opisina eh.” pero unconsciouslyn nakapagproject ka ng sarili mo dun. Bilocation yun.
Yung mga aswang, totoo po nangangain sila ng tao?
Rey Sibayan: ako, di ako naniniwala dati sa aswang. Pero nung tinackle ko yung topic about aswang, may nagreact. They are claiming they are aswangs. Winarningan nga ako eh, sabi akin, “Sir Sibayan, tigilan mo na kami.” Ngayon, nakausap ko yung isang aswang hunter, kinonfirm niya na totoong meron. Ako naman, personally, when I was in Leyte, bata pa ko, nakarinig na ko nung mga lumilipad, yung mga eroplano sa gabi na sabi nila, putol daw ang katawan. (Mabaho po ba yung mga ganun?) Yes, parang masangsang, basta mabaho. (Totoo po napuputol yung katawan nila?) yung isang form ng manananggal, pero, based dun sa isang nakausap ko, si Anthony Vivero, known to be the aswang hunter, hindi naman daw napuputol yung katawan ng iba. Akala naman nung iba na lumilipad sila, infact, naglelevitate yun. Yung iba naman sabi may wings, yung iba naman hindi. Ako, di pa ko sure dun sa ganung itsura eh. pero, definitely, meron. Isa silang tao, na meron silang ibang kakayanan. Napakalakas ng psychic ability nila eh. Sabi nga nung si Anthony, when you’re dealing with this people, kailangan prepared ka. Kasi, they can teleport daw eh. halimbawa, naririnig mo andun pa pero andito na sa harap mo. Nawawala yun eh, nagteteleport siya. Kasi pinuntahan talaga nila yung lugar, somewhere in Visayas. I think, Capiz yata. Documented, dinocument nila. Yung isang encounter nila, talagang pinaligiran sila ng mga aswang. Pero marami sila, kaya hindi nakaporma eh. Ang sabi niya, “Sige, patayin niyo kaming lahat ngayon dito, pero sigurado, pupuntahan kayo rito. Alam nila na nandito kami. Lahat kayo malilipon.” Kaya hindi sila ginalaw. And, kumakain talaga sila ng lamang tao. Actually meron ako dito eh, (Pinakita samin ni Sir Rey Sibayan ang piture ng nilutong bata na kakainin ng mga aswang sa laptop niya.) paliwanag ni Anthony, biktima na raw yan, pero para sa kaniya, hindi pa. yan pa lang ang kakainin nila. Sinacrifice nung isang maganak na aswang, kasi wala daw silang nakuhang ibang tao. Yun ang pagkakaexplain. May lahi siya, pero, isinacrifice siya because wala sila nakuha, niluto nilang ganyan. Yung gabi na yun, yan ang kakainin. Yung buong barangay puro aswang yun. Parang niluto siya, inihaw. (Pano po nila nakita yan?) Pinuntahan nga nila dun sa lugar eh. Kasi yung lugar na yun pinaghinalaan na may aswang. Yun yung barangay ng mga aswang. (Hindi po ba kulto lang yun?) Ang aswang is, sabihin na natin, parang religion na rin sila eh. They have their own, they do the rituals. Actually they are cannibals. Parang it’s a combination of a vampire and a cannibal, kasi may mga fangs rin sila eh. Sila yung Philippine version ng vampires eh. Ang pinakamasarap na kainin nila dyan ay yung internal organs. Tapos nilalagyan nila ng spice, spices sa loob. Kaya, nung naamoy nga raw ni Anthony yan, ang bango bango. Amoy bawang pa nga yung iba eh. Wala silang masacrifice na ibang tao, wala silang nakuhang ibang tao. Saka mas paborito nila yung bata pa kasi mas bata pa yung katawan. Ang paniniwala nila, kapag kumakain sila ng tao, lumalakas sila. Ganyan ang paniniwala ng cannibals eh. kapag kumain sila ng kapwa tao, yung energy ng tao nakain nila, pumapasok sa kanila, lumalakas sila. Parang may piyesta sa kanila, halimbawa, “Kayo ang nakatoka sa piyesta na to, magprovide kayo ng pagkain natin.” (Araw araw po sila kumakain ng tao?) ewan ko, or depende. May mga petsa ata. (Takot po ba talaga sila sa asin, bawang?) Yah, kasi ang asin, anti-evil yun eh, anti negative. Yung bawang, ewan ko lang, kasi mukhang pampabango yung sa pagkain nila eh.