Panlabas na Anyo, Isang Ilusyon

Nais ko lang ibahagi sa inyo ang isang katotohanan na hindi lahat ng nakikita natin sa panlabas na anyo ng tao ay siya rin ang totoong kagandahan nito o magandang pag-uugali.

Meron ngang kasabihan na “beauty is in the eye of the beholder” at ito ay halaw sa naunang kasabihan ni Classical Greek Philosopher at Mathematician Plato, na nagsabing  “Remember how in that communion only, beholding beauty with the eye of the mind, he will be enabled to bring forth, not images of beauty, but realities (for he has hold not of an image but of a reality), and bringing forth and nourishing true virtue to become the friend of God and be immortal, if mortal man may.” 

face illusion                Sa madaling salita, ang karaniwan nating nakikita sa panlabas na anyo ng isang tao, babae man o lalaki, pangit man o maganda, matanda man o bata ay maituturing na isang ilusyon lamang hanggang sa makita mo ang tunay na ugali ng tao.

Ayon mismo kay Plato, ang kagandahan ng isang tao ay kayang makita ng ‘eye of the mind’ o mata ng ating isipan na sa madaling salita ay ang kakayanan mong damhin o silipin ang ‘kaibuturan’ o kaluluwa ng isang tao.

Ito ang karaniwang perspective o nakikita ng mga clairvoyant, psychic o mga sensitibong tao dahil aktibo ang kanilang ‘mind’s eye’ na tignan ang totoong pag-uugali ng tao sa isang tingin pa lamang.

Kaya pag may kakilala kayong taong psychic o malakas ang espiritwal na mata ay hinding-hindi kayo makapagtatago sa kanya lalu na ng tunay mong pag-uugali kahit sabihin pang maganda kang tignan sa panlabas mong anyo.

Simple lang naman ang dapat gawin nating lahat. Kung sa akala mo masama ang iyong ugali o meron kang masamang binabalak sa kapwa ay tiyak na napakapangit ng totoo mong hitsura hindi lamang sa mata ng mga psychic kundi lalu na sa mga MATA NG DIYOS.

Hindi ba’t meron ding kasabihan na walang makapagtatago sa mata ng Diyos, kahit na todo-bihis ka pa o saan ka man magtago kapag masama ang ginagawa mo sa kapwa ay napakapangit mo sa kanyang paningin.

Gayunman, maaari namang mabago ang tingin sayo ng Diyos, ito ay sa pamamagitan ng pagbabago sa ugali o pakikitungo sa kapwa. Kapag nagawa ito ng isang tao ay hindi lamang magiging maganda ang kaanyuhan sa labas kundi maging sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa at magniningning sa liwanag.

Kung mahilig kayo manood ng pelikula, isang halimbawa ng ganitong paksa tungkol sa tunay na kagandahan ng tao ay ang ‘Shallow Hal’ na pinagbidahan ni Jack Black.

Makatutulong ang meditasyon para maging akbito ang ating mind’s eye sa tulong din ng mga kristal tulad ng GD crystals na napatunayan na ng marami sa ibat-iba nitong tulong sa tao, energy healing, psychic protection at third eye activation. Mag-text sa 09081217808 at 09179076847. Bisitahin ang aking website www.reysibayan.com. Namaste#